Hannah's POV
PROM NIGHT
"Wow! Just...wow!" Sambit ni Isaac ng mababaan ko sila sa sala ng bahay ni Lil Saint. Namula ako sa papuri ni Isaac sa akin. Dahil sa wala si Alexandros ay siya na ang humalili bilang kaparehas ko kahit nagpumilit akong huwag na lang akong intindihin.
"I never thought Lil Saint would wear something like that." Nakangiting komento naman ni Gabriel sa akin na galing ng kusina kasama si Nicholas.
"I know. May price tag pa nga ito ng makuha ko sa cabinet niya." Natatawang komento ko.
Noong isang araw pa kami naghahanap ng maisusuot ni Nicholas. Pumunta na kami ng mall at mga boutique pero wala pa rin akong mapili. Mabuti na lang at naisipan ni Nicholas na may mga damit si Lil Saint na pwede kong maisuot.
Nagkatawanan na lang kaming lahat, alam kong namimiss din nila si Lil Saint na hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kung nasaan na kaya. Umalis na kami ng kabahayan at tinungo ang eskwelehan.
"Hannabee ang mask mo." Inabot sa akin ni Nicholas ang isang silver mask ng marating na namin ang paaralan. Marami-rami na rin ang mga estudyante na naroon, fashion show yata ang pinuntahan nila at hindi Prom Night.
"Hayaan mo na, minsan lang kasing magkaroon ng ganitong pagtitipon kung kaya'y sinasamantala nila." Bulong sa akin ni Nicholas na ngayon ay gwapong-gwapo sa tuxedo na suot niya. Parang nawawala na talaga ang bakas ng pagka-pusong babae niya.
Tumango na lang ako at papasok na sana sa paaralan ng harangan nila ang daraanan ko, seryosong-seryoso ang mukha nilang tatlo. Nangunot ang noo ko sa pagtataka. May nakalimutan ba ako? O sila?
"Happy birthday!!" Sabay-sabay na bati nilang tatlo at inilabas mula sa likod nila ang iisang kulay ng rosas, itim.
"A-Anong.." Napakurap-kurap ako sa aking nakita.
Bakit itim?
"Hannah, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Isaac na nakalapit na pala sa akin. Tiningnan ko ulit ang mga bulaklak pero hindi na iyon kulay itim.
A-Anong? Imahinasyon ko lang ba iyon, katulad ng nangyari sa akin kaninang umaga?
"W-Wala, Salamat sa inyo. Nakalimutan ko na birthday ko nga pala ngayon, to think na 18th birthday ko pa pala. Tara na." Sabi ko na lang sa kanila at nagpatiuna na sa pagpasok ng stadium kung saan nagaganap ang pagsisiya.
Pinili kong huwag na lang gunitain ang aking kaarawan habang hindi pa nakakabalik si Lil Saint, wala ako sa mood na magsaya at alam kong ganoon din ang nararamdaman ng aking mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Aeternus: Eternal Love #Wattys2014
VampireNagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kan...