Chapter 10 - Secrets

2.4K 86 29
                                    

Lil Saint's POV

"Gab.." May pagbabanta na sa tinig ko. Ilang oras na akong nandito sa Zamaria pero wala pa rin akong mahita ni katiting na impormasyon mula sa kanya.

"Lil Saint wala akong alam sa mga sinasabi mo." Tanggi ni Gab sa akin. Alam kong may alam siya sa tunay na pagkatao ni Hannah.

"Isa.." Banta ko sa Pinunong nasa harapan ko ngayon. Alam kong mas malakas siya sa akin pero wala namang masama kong susubukan kong kalabanin siya.

"Wala talaga." Ani Gab at tinalikuran ako. Hindi na ako nakapagpigil kayo sinugod ko si Gab. Hindi pa man ako gaanong nakalapit sa kanya ng magsimulang gumalaw ang mga kagamitan sa loob ng silid na animo'y naglilindol.

Shit

Nagpagiwang-giwang ang lakad ko, pilit pa ring sinusundan si Gab. Kailangan kong makakuha ng sagot sa mga tanong ko. Naramdaman ko na mas lalong lumakas ang pagyanig ng lupa, tiningnan ko ang papalayong anyo ni Gab ng may mahagip ang paningin ko. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko at nagmadaling tumayo.

"Fine!" Bulalas ni Gab at itinaas ang kamay bilang pagsuko. "Camarri! You fool." Inis na sambit ni Gab.

Okay ka lang ba? Narinig kong tanong niya sa aking isipan. Ngiti lang ang itinugon ko sa kanya.

"Maari mo ba akong tulungan?" Tanong ko kay Camarri.  Agad sumilay ang ngiti sa labi niya at tiningnan si Gab.

"Camarri ano ang iniisip mo? No..no." Tatakbo na sana si Gab ng mahawakan ito ni Camarri at tinitigan sa mata.

"Here." Wika ni Camarri at dumistansya ng bahagya kay Gab. Napataas ang kilay ko sa kanyang ginawa.

"What?" Bakas sa gwapong mukha niya ang labis na pagtataka.

"Nagsalita ka....ng hindi ginagamit ang isipan mo." Nakangiting pahayag ko bago hinarap si Gab na ngayon ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Camarri.

"Sino si Hannah, Pinunong Gab?" Tanong ko agad kay Pinunong Gab. Hindi ako mapalagay sa mga pangyayari sa nakalipas na dalawang araw. Ang pagkakabangga kay Hannah, ang nangyari sa aming tatlo nina Gabriel, ang paggaling agad ni Hannah,

"Ang itinakda." Sambit ni Gab na nakakuha ng atensyon namin ni Camarri.

Ang itinakda?

"Itinakda? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Anong ibig niyang sabihing si Hannah ang itinakda?

"Ang espesyal na nilalang na itinakda ng tadhana. Siya ang bubuhay sa nakalimutang alaala ng ikalabing-isa. Ang lakas niya ang sasakop sa lahat." Nanghilakbot ako sa sinabi niya. Ang sasakop sa lahat? Paano gagawin iyon ni Hannah kung parati siyang nakakalimot? Mortal lamang siya.

"Anong . . .  Paanong . . " Hindi ako makaapuhap ng tamang tanong para kay Gab, nahihirapan ang utak ko na iproseso ang mga bagay na nalaman ko ngayon.

"Tatlong magkakapatid na orakulo. Tatlong makapangyarihang nilalang na nakakakita ng hinaharap." Ang tatlong itinangi, Ang tatlong orakulo ng kasalukuyang henerasyon. Hindi sila madaling makita, alam ko iyon. Nagpapakita lamang ang magkakapatid kung nais nilang magpakita. Walang sinuman ang nangahas na hanapin sila, kahit na ang ibang malalakas na nilalang ay alam iyon.

"Sino? Ano si Hannah Pinunong Gab?" Tanong ko sa kanya. Sino nga ba si Hannah? Dalawang daang taon na akong naging bampira, limang taon pa lang si Hannah ng una ko siyang makita. Paanong hindi ko nalaman na kakaiba siya?

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon