Chapter 50 - End Game

2.7K 61 9
                                    


Third Person's POV

Makaraan ang apat na taon

"Babe, nasa baba na sina Camarri. Hindi ka pa ba tapos diyan?" Tawag-sigaw ni Alexandros mula sa labas ng pinto ng kanilang silid ni Hannah.

Sa nakalipas na isang taon ay napagpasyahan na nilang mamuhay sa Zamaria. Pagkatapos kasi nilang magpakasal sa Romania ay nanirahan sila ng dalawang taon sa Paris at isang taon naman sa Carpathian Mountains, malapit sa kaharian ng Bloodstone. 

Ang apat na taon na yun ang pinakamasayang mga taon para sa kanila. Maraming nangyari subalit nangibabaw doon ang mga masasayang ala-ala na hanggang ngayon ay nakakapag-pangiti pa rin sa kanya.

"Teka, malapit na. Mauna ka nang bumaba." Tugon naman ni Hannah na abala pa sa pagkakabit ng hikaw.

"Sige. Bababa na ako, sunod ka na lang." Bumaba na nga si Alexandros at sinalubong sina Camarri at Lil Saint na dala ang iba't-ibang pagkaing magiging handa nila sa pagtitipon na magaganap sa araw ding iyon.

"Ano ka ba naman, Nicholas! Sabi nang hindi dapat ganyan ang paghawak eh!" Malakas na wika ni Julie.

Lumingon siya sa kanyang kanan at nakita si Julie na masayang nilalaro ang dalawang-taong gulang na anak, si Khyla, na hawak-hawak ng ama nitong si Nicholas.

"Eh anong gusto mo, hawakan ko patiwarik si Khyla gaya ng paghahawak mo?" Ganti naman ni Nicholas na nakanguso. "Baby, huwag mong gagayahin si Mommy, okay. Sobrang monster niya, noh?" Mahinang wika nito sa anak na dinig na dinig rin naman ng lahat. Humagikhik lang ang bata.

Sinamaan naman ng tingin ni Julie si Nicholas. "Bumulong ka pa, rinig naman naming lahat. Tsk. At anong monster? Ako monster, ha, ha?"

Parang batang umiling-iling lang si Nicholas.

Tsk. tsk. tsk. Kawawang Nicholas. Bulong niya sa kanyang isipan.

"Hindi sweetheart! Ang ganda mo kaya! Para kang diwata sa kagandahan!" Ani Nicholas.

"Tse!" Mataray naman na tugon ni Julie.

Tumayo si Nicholas habang karga karga pa rin si Khyla sa kanang bisig nito. Hinawakan nito sa kaliwang kamay ang bewang ni Julie. "Sweetheart naman, sorry na. Naririnig tayo ni baby loves oh."

Sa may bintana ay nakita naman niya si Danna na nakangiti lang habang tinitingnan sila Julie na masayang nagkukulitan. Nagpasya siyang lapitan ito.

 "Danna, nasaan na si Gabriel?" Tanong agad ni Alexandros sa bisita.

"Nauna na ako, may inasikaso pa kasi sila sa Midnight Moon." Tugon ni Danna sa katanungan ni Alexandros. Kasalukuyang si Gabriel ang tumatayong Alpha ng Midnight Moon simula  ng mamatay si Ibrahim sa nangyaring digmaan.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon