Chapter 26 - The Culprit

1.7K 60 18
                                    

Third Person POV

Flashback.. (Last part of Chapter 17)

"Nyx, Erebus! Alexandros!" Tawag ni Julie sa kanyang mga kaibigan.

 

"May sunog ba?" Wika ni Erebus na naka-ani ng batok mula kay Nyx.

"Alexandros may problema tayo." Pahayag ni Julie ng magkatipon-tipon na silang lahat.

 


"Ano?!" Nakakunot-noong tanong ni Nyx, nakatuon ang lahat ng atensyon nila sa sasabihin ni Julie.

 

"Ang itinakda." Sambit ni Julie saka tumingin sa kagubatan, "Hindi lang tayo ang nagkakainteres sa kanya." Ikinagulat nilang lahat ang rebelasyong iyon ni Julie.

"Ano ang gagawin natin?" Tanong ni Erebus, maloko siyang bampira pero pagdating sa sitwasyon na ganito ay lubos siyang maaasahan dahil na rin sa angkin niyang kagalingan sa pagpaplano.

"Kailangan natin silang maunahan.." Sambit ni Alexandros at nagtungo sa may veranda, tinitingnan at pinapakiramdaman ang kapaligiran kung sakali mang may espiyang umaaligid sa kanilang bahay.

"Ano ang gagawin natin?" Tanong ni Nyx kay Alexandros. Natahimik silang lahat, hinihintay ang susunod na sasabihin ng binata.

"Ipapaalam ko lang muna ito kay ama. Sa ngayon ay wala muna tayong gagawin bukod sa mag-ingat sa mga galaw natin."  Tiningnan ng binata ang kanyang mga kaibigan at nakita niya ang marahang pagtango ng mga ito.

Pumanhik na paitaas sina Erebus at Nyx, doon nila ipinagpatuloy ang paglalaro ng video games. Nasa sala lang si Alexandros, halata na malalim ang iniisip nito.

"Ano ang iniisip mo?" Tanong ni Julie sa binata. Parang nandito nga ang physical na katawan ng lalake pero  alam niyang naglalakbay ang isipan nito kung saan-saan.

"Kailangan kong magmanman. Kailangan nating malaman kung sino ang kalaban natin Julie." Tugon ni Alexandros kay Julie ng hindi man lang ito tinitingnan.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon