Julie’s POV
“T-teka lang Nicholas! Saan mo ba ako dadalhin?” Pabulyaw kong tanong sa bampirang kasalukuyang humihila sa akin sa kung saan.
Kanina pa kami umalis sa bulwagan ngunit hanggang ngayon ay naglalakad pa rin kami. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Nagsasayaw kami ng bigla na lang akong hilahin nitong si Nicholas. Oo, hindi ko na siya tinatawag na Nicomon, hindi na kasi bagay sa kanya.
Hindi na nga ako nakapagpa-alam, mabuti na lang at nakita ko si Samantha na patungo sa bulwagan para makisaya. Kumaway na lang ako sa kanya at itinuro aking kamay na hila-hila ni Nicholas. Tumango lang sa akin si Samantha bago tinungo ang mesa nina Erebus.
Sa ngayon ay magkahugpong ang kamay namin habang hinihila niya ako. Kaya ko naman sanang bawiin ang kamay ko dahil mas malakas ako sa kanya subalit hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit, parang parang . .
Tsk. Ano ba tong walang kwentang iniisip ko!?
“Huwag ka na nga lang magtanong. Sumunod ka na lamang.” Sagot naman niya sa mababang boses. Mukhang galit siya na ewan. Hindi ko siya maintindihan. Nagpatuloy na lamang kami sa pagtakbo sa masukal na kagubatan hanggang sa makarating kami sa likurang bahagi ng isang bahay. Alam ko kung kaninong bahay ito kaya nakakagulat na dito niya ako dinala.
Ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa bahay niya – yung sa kanya talaga. Hindi ko akalain na napakaganda pala nito at kung hindi ko siya kilala ay hindi ko rin aakalain na ang nakatira pala dito ay dating binabae.
Mabilis niyang binuksan ang pintuan at iginiya ako papasok “If you’re thirsty, feel free to roam the kitchen.” He said and left me at the living room.
“A-anong ginagawa natin dito?!” Pasigaw kong tanong sa kanya.
Hindi na niya ako sinagot pa bagkus ay nagpatuloy sa pagpasok sa kanyang silid. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na siya dala ang iilang mga damit na inihagis niya sa akin.
“Para saan ‘to?” Naguguluhan kong tanong na naman sa kanya. Parang napapansin kong habang tumatagal ay paparami ang mga tanong ko sa kanya.
“Try mong kainin.” Papilosopo niyang sagot. “Saan nga ba ginagamit ang damit Julie?” Pabalik niyang tanong sa akin.
“Tss. Hindi ko kailangan ‘to tsaka bakit mo ba binibigay sa akin ‘to?”
Nagbuga muna siya ng hangin bago sumagot “Palitan mo yang suot mo.”
“Bakit, pangit ba ang damit ko?” Sabay ikot ko pa para makita niya ang kabuuan ng damit ko.
“Hindi ang damit mo ang pangit, ikaw.” Walang ganang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Aeternus: Eternal Love #Wattys2014
VampireNagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kan...