Third Person POV
Zamaria
"Nakialam na sana tayo, Angela. Sana binalaan na natin si Lil Saint sa mga mangyayari." Mahina lang ang boses ni Emanuelle nang sabihin ang mga katagang iyon pero bawat salita ay may diin.
"Hindi natin mababago ang itinadha, alam mo iyann. Mangyayari ang dapat na mangyari. Mamamatay ang dapat na mamatay sa digmaang paparating, kapatid. Wala ng makakapigil niyon, kahit tayo ay wala nang kayang gawin para pigilan ang trahedyang paparating." Ani Angela na nakatanaw mula sa labas nang palasyo ng Zamaria.
"Sana lang.. Sana lang at tama ang ginawa nating pananahimik." Ani Emanuelle at yinakag ang kapatid na si Beatriz palayo ng Zamaria. Ilang beses nang kinumbinsi ng dalawang nakababatang orakulo si Angela. Kakaiba ang digmaang magaganap ngayon. Kakaibang-kakaiba.
Inaasahan na nina Beatriz at Emanuelle ang pagdanak ng maraming dugo mula sa dalawang magkalabang lahi. Ang digmaan na iyon ay matataon sa pagsasanib ng buwan at ng araw, ang eklipse.
Ang sandali kung saan mas magiging malakas ang mga taong-lobo kaysa sa mga bampira. Ang sandali kung saan tanging mga orihinal na bampira at mga anak nito ang mananatiling malakas para lumaban. Ang sandali kung saan titiwalag ang natatanging pag-asa ng kabutihan laban sa kasamaan...
----------------
Kraden
"Hannah." Napamulat si Hannah nang marinig ang mahinang pagtawag sa kanyang pangalan. Nakita niyang nasa isang silid siya, simple lamang iyon. Tanging kama, isang upuan sa gilid, simpleng kabinet na may salamin, at maliit na bintana sa bandang kaliwa niya. Malayong-malayo ito sa kwarto ni Alexandros kaya nahinuha niya na wala siya ngayon sa palasyo ng Drakus.
Hinimas ni Hannah ang nasaktang ulo, pilit niyang inaalala kung bakit siya naroon. Napadaing siya sa sakit nang mahawakan niya ang maliit na bukol sa kanyang noo.
Anong nangyari sa akin?
"Hannah." Natuon ang buong atensyon ni Hannah sa tinig na iyon. Hindi siya maaring magkamali, si Camarri ang kumakausap sa kanya ngayon.
"Pinunong Camarri.." Sambit ni Hannah at napabalikwas ng bangon. Nagulat siya nang sa kanyang paglingon sa may bintana ay humarap sa kanya ang walang emosyong mukha ni Camarri. Dati na itong tahimik, ngunit parang iba ngayon. Masyadong malamig ang aura ni Camarri, bumuntong-hininga si Hannah bago umiwas ng tangin kay Camarri.
"Nasa Zamaria na ba ako?" Tanong ni Hannah. "W-Walang ginawang masama si Alexandros sa akin. Iniligtas lamang niya ako Pinunong Camarri." Dagdag na paliwanag ni Hannah sa pag-aalalang maparusahan ng Zamaria si Alexandros.
"Hannah..may kailangan kang malaman. Kailangan mo lang sumunod sa lahat ng sasabihin ko, sa ikakabuti mo rin ang lahat ng ito." Seryosong-seryoso ang mukha ni Camarri ng sabihin ang mga iyon. Napatango na lang ang dalaga at nakinig sa sinasabi ni Camarri, sa kanyang utak.
BINABASA MO ANG
Aeternus: Eternal Love #Wattys2014
VampireNagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kan...