Chapter 30 - Comeback

1.6K 56 20
                                    

THIRD PERSON POV

Na sa kagubatan na ng Zamaria si Lil Saint, tatlong araw na ang nakalipas mula ng magkita sila ni Torque. Ipinikit ni Lil Saint ang kanyang mga mata para pigilan ang mga alaala na ngayon ay nagbabantang manumbalik sa kanyang isipan.

Wala sa isip na tinakbo niya ang Zamaria. Hilam ng luha ang kanyang mga mata habang tinatahak ang daan patungo doon.

May rason ang lahat Lil Saint. Tibayan mo lang ang iyong kalooban. Naalala pa niyang wika ng orakulong si Angela sa kanya.

Alam ng puso ang anumang hindi maintindihan ng iyong pag-iisip. Manalig ka lang. Dagdag pa ng kapatid nitong si Beatriz.

Hindi namalayan ni Lil Saint na nasa labas na pala siya ng Zamaria, itinaas niya ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. Alam niyang tinitugis pa rin siya ng Konseho, sana lang ay dumating sa oras ang mga orakulo upang siya ay maligtas.

"L-Lil Saint?" Nakita niya mula sa bukana ng palasyo si Isaac. Parang hindi ito makapaniwala na nandito siya ngayon, na nagbalik na siya sa Zamaria.

"Kailangan kong makausap si Pinunong Zymyr." Pormal na pahayag niya, nilakas niya ang kanyang boses upang marinig iyon ng lahat.

"Ako na ang bahala sa kanya. Halika na." Saad ni Isaac at sa isang iglap lang ay nasa harapan na niya ang lalake at niyakapa siya ng mahigpit.

"Nag-alala kami sa iyo." Sambit ni Isaac habang nakayap sa kanya. Niyakap rin niya si Isaac, namiss niya ang kanyang mga kaibigan, maging ang Zamaria ay namiss niya.

Pumasok na sila silang dalawa sa palasyo, dumiretso sila sa silid-aklatan ng Zamaria. Doon natatagpuan kadalasan si Zymyr, kasama ng mga sinaunang aklat na binabasa nito.

"Pinunong Zymyr.." Tawag ni Isaac ng tumapat na sila sa pintuan ng silid.

"Pumasok ka, Lil Saint." Hindi na sila nagtaka kung bakit alam ni Pinunong Zymyr na nakabalik na ang dalaga. Tinanguan ni Lil Saint si Isaac at unti-unting pinihit pabukas ang pintuan ng silid.

Pagkapasok ni Lil Saint sa silid, nakita niya agad si Pinunong Zymyr na nakadungaw sa bintana. tinatanaw marahil ang lupang nasasakupan ng Zamaria.

"Patawarin mo ako kung nahusgahan man kita agad. Nakalimutan kong isaalang-alang ang damdamin mo sa naging desisyon ko, Lil Saint." Lumingon si Pinunong Zymyr sa kanya, nakikita niya sa mga mata nito ang lubos na pagpapakumbaba. "Kamusta ka na? Ano ang nangyari sa iyo?"

Napaiyak si Lil Saint sa tanong na iyon ni Pinunong Zymyr, ano nga ba ang nangyari sa kanya? Ang nangyari sa kanila?

Kakabalik pa lang nila ni Camarri mula sa Carpathian Mountains, kasa-kasama na nila si Torque ngayon at naghahanda para sa pagbabalik nila ng Zamaria. Naging maayos naman ang naging paglalakbay nila ni Camarri papunta kina Khalil. Tulad ng inaasahan ay napasabihan na pala ng mga orakulo ang Punong-bantay ng mga lobo.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon