Third Person's POV
"Just .. Just listen to me this time." Umaasa siyang maintindihan ni Alexandros ang matinding pagnanais niyang makaganti sa lahat ng bagay na ipinagkait ni Zagro mula sa kanya. Tumango naman si Alexandros ng makita ang determinasyon sa mukha ni Hannah.
"Okay. I'll keep him busy." Ani Alexandros at hinanap agad kung nasaan si Zagro. He focused on their enemy. Mautak si Zagro, hindi magiging madali ang kalabanin siya lalo pa't alam nito ang kakayahan ng bawat isa.
Tumakbo ng mabilis si Alexandros, tinutumbok ang kinatatayuan ni Zagro. Napangisi lamang ang bampira at ipinaikot-ikot pa ang punyal nito gamit ang dalawang dalari.
I'll avenge my father, bastard! Ani Alexandros sa kanyang isipan. Just when he's about to collide with Zagro, agad siyang tumigil at mabilis na pinaulanan ng bolang apoy ang kinatatayuan ni Zagro.
Mabilis na nakaiwas si Zagro pero hindi ito tinigilan ni Alexandros, sunod-sunod niya itong inatake para makuha ang buong atensyon nito -at napagtagumpayan niya iyon nang mapahiyaw si Zagro dahil sa direktang tama ng kidlat mula sa kalangitan.
Napangiti si Alexandros at akmang lalapitan na sana si Zagro nang biglang may umagaw sa kanyang atensyon. Si Hannah -bihag ni Ibrahim at may nakatutok na patalim sa may leeg nito.
Tinitigan lang ni Hannah si Alexandros, wari'y may ipinapaabot na mensahe na hindi maintindihan ni Alexandros.
"Tapos na agad ang laro?" Nakangising sagot ni Zagro. Mapanuyang tiningnan nito si Alexandros at unti-unting lumapit kay Hannah dala ang punyal na kumitil sa buhay ni Demetri.
"Sa totoo niyan Zagro..." Ani Hannah sa kalmadong tinig, "Nagsisimula pa lang tayo." Dagdag nito at mabilis na inagaw ang patalim mula kay Ibrahim. Sa isang iglap lang ay nakatarak na sa dibdib ni Zagro ang kunai na gawa sa pilak
Agad namang binunot ni Hannah ang patalim, ayaw niyang mamatay si Zagro. Hindi pa ito ang tamang panahon, kailangan pa nitong pagdusahan ang lahat ng kahayupan na ginawa nito. Papatayin niya si Zagro ng unti-unti, hanggang sa ito na ang humiling ng sarili nitong kamatayan.
"May kailangan pa akong tapusin, Thana." Ani Ibrahim, nilingon ng dalaga ang punong-bantay ng Midnight Moon. Gusto man niyang pigilan ito ay wala siyang magagawa. Nagpang-abot sa gabing ito ang Midnight Moon at Bloodstone, ito na siguro ang pinakahihintay ng dalawang pangkat. Ito na ang gabi na magtutukoy kung sino ang mas malakas sa dalawa, ito na ang gabi kung kailan matatapos ang lahat ng hidwaan -at kailangang may mamatay sa labanang iyon.
"Salamat, Pinunong Ibrahim." Pasalamat ni Hannah sa pagtulong ni Ibrahim kanina. Bahagya lamang tumango si Ibrahim at tinakbo ang mga kasamahan nitong patuloy na nakikipaglaban sa Bloodstone.
BINABASA MO ANG
Aeternus: Eternal Love #Wattys2014
VampireNagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kan...