Chapter 15 - Remembering him..

2.1K 78 37
                                    

Third Person's POV

 “Babes, leggings ka ba?” Biglang tanong ng lalaki habang nanonood sila ng paborito nilang palabas sa telebisyon.

 “Zephyrus naman eh. Yan ka naman! Siguraduin mong maganda yan ha!”

 “Syempre naman, ako pa! Sige na, magtanong ka na kung 'bakit?'” Pangungumbinsi pa niya sa nobya.

 “O sige na nga. Bakit?”

 “Kasi ikaw ang 'leggings' nasa isip ko. BOOM!” At tsaka humagalpak ng tawa ang lalaki sa sariling biro habang ang babae naman ay blanko lang ang naging ekspresyon sa mukha.“Sam naman. Hindi ka ba kinilig sa punch line na yun? Hiningi ko pa yun kay Erebus eh”

 “Haha.” Sarcastic na tugon ng babae. “Yan napapala mo kay Erebus. Nagiging corny ka na.” At inabala na naman ang sarili sa panonood ng telebisyon.

 Nakatitig lamang ang lalaki at walang babalang sinimulang pisilin ang ilong ng nobya “Ang cute cute mo talaga, babes. Nakakagigil ka.”

 “Aray! Ano ba Zephyrus, itigil mo nga yan. Aray! Isa! Makakatikim ka na talaga sa akin!” Protesta nito habang patuloy na pumapalag.

 Lumaki naman ang ngisi niya “Di mas maganda. Gustong gusto ko kayang tikman ka.”

 Buong lakas itong itinulak ng babae na naging dahilan para matumba siya. “Sira ka talagang lalaki ka! Bwisit!”

 Tumawa tawa lamang siya na mas lalong nakapadagdag sa inis ng babae. Dahan-dahan itong tumayo at naglakad pabalik sa babae. Walang anu-ano'y niyakap niya ito.

 “Sorry na, babes. Sorry na ha” Nagpuppy eyes pa ito ngunit inirapan lang ito ng nobya. Lalo pa nitong hinigpitan ang yakap kay Sam at hinalikan ito sa noo. “I’m sorry, okay.”

 Napabuntung hininga na lamang ang babae na senyales na ayos na sila. Ganun lang talaga silang maglambingan dalawa, nauuna ang away at maya-maya lang ay magkakaayos rin naman.

 Ilang saglit lang ay nagsimulang kumanta ang lalaki

 As long as stars shine down from heaven

And the rivers run into the sea

Til the end of time forever

You're the only love I'll need . . .

"Bakit ba yan ang paborito mong kantahin? Di ba pambabae yan? Huwag mo sabihing nababakla ka na?" Tanong ni Sam na nakakunot ang noo. Sa loob ng panahong magkasama sila at nasa  ganitong sitwasyon ay yan palagi ang kinakanta ng lalaki.

Nginitian muna siya ni Zephyrus bago nagsalita. "Shhh. I know it's a bit corny but I like the lyrics. It suits what I feel for you." At pinagpatuloy ang pagkanta.

When I found you I was blessed

And I will never leave you

I need you . . .

Imagine me without you

I'd be lost and so confused

I wouldn't last a day, I'd be afraid

Without you there to see me through

Imagine me without you

Lord, you know it's just impossible

Because of you, it's all brand new

My life is now worthwhile

I can't imagine me without you

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon