Julie's POV
"Julie-bee, ilan ba ang gusto mong anak?" Biglang tanong ni Nicholas na naging dahilan kung bakit wala sa oras akong nabilaukan. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain ng steamed rice at siomai.
"Julie-bee . .. Hoy, Julie-bee .. " Times up! Kumukulo na talaga ang lahat ng dugo sa katawan ko. Paano ba naman kasi, kanina pa ako tinatawag na 'Julie-bee' ng lalaking 'to. Kamukha ko ba yung pulang-malaking bubuyog na 'yon?
Padabog akong tumayo nang hindi inuubos ang pagkain ko. Mabilis akong nagpunta ng sala at nagpasyang manood na lamang ng palabas sa telebisyon.
"Julie-bee . . " Ayan na naman. Konting-konti na lang talaga at mapapalipad ko na palabas ang bampirang 'to. "Julie-bee . ."
"Aish Nicholas! Bakit ka ba Julie-bee ng Julie-bee?! Mukha na ba akong bubuyog ha!?" Pasigaw na tanong ko sa kanya.
"Hindi!" Eksaherado niyang tanggi. ''Ikaw? Mukhang si Jollibee? Hindi!!" Eksaherado niya uling tugon. "Hindi ka mukhang si Jollibee ha, hindi talaga!" At umupo na ito sa upuan kaharap ko.
Saglit na walang umimik sa aming dalawa. Hindi kami nagkikibuan. Hindi ko siya pinapansin. Nabwibwisit lang kasi ako.
Habang tutok ako sa panonood ay nakikita ko sa gilid ng aking mata ang ginagawa niyang pagngisi ng walang dahilan. Para siyang baliw na nag-iisip ng masama. Tsk. Ito yung mga pagkakataong nagdadalawang-isip ako kung bakit ko nagustuhan ang mokong na 'to. May santik yata to eh.
Iniwas ko na lamang ang paningin ko sa kanya ngunit sadyang napapalingon talaga ako sa panig niya. Ngumingisi pa rin siya. Hindi na ako nakatiis kaya tinapunan ko na siya ng isang malaking unan.
At dahil nagliliwaliw ang isip niya, ayun, sapul sa mukha niya ang unan. "Aray! Julie-" Hindi na niya natapos ang reklamo niya dahil tinapunan ko na naman siya ng isa. "Ahh. Ganito pala gusto mo ha. May pagka-bayolente ka tala-" Sapul na naman sa mukha niya ang unan.
At yon nga, biglang nagkaroon ng 'batuhan' sa loob ng bahay. Maski appliances at furnitures ay binabato ko sa kanya kaya ang ending, nawasak ang buong bahay niya - de joke lang.
Pagkatapos ng 'batuhan' session namin ay humihingal na umupo ulit ako sa sofa. O di ba? Hiningal ako? Ako na isang bampira, hiningal? Paano ba naman kasi isang araw kaming nagbatuhan - de joke lang ulit.
Waley yata ang mga jokes ko. Tss. Ang totoo niyan hindi talaga ako hiningal, umupo lang ako saglit. Then history repeats itself. Habang umuupo ako, nasulyapan ko na naman ang pagngisi ni Nicholas. Baliw na nga. Babatuhin ko naman sana siya ng mapansin kong wala na palang unan na natira.
"Julie-" Sinamaan ko na naman siya ng tingin. "Bubuyog ka ba?" Nakangiti niyang tingin sa akin. Yung tingin na kumikislap-kislap pa yung mga mata niya. Yucks! Kinikilabutan ako sa mga ginagawa niya. "Julie." Tawag niya uli nang hindi ko siya sinagot.
"Tss. So mukha na talaga akong bubuyog ngayon?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"Aish!" Sabay gulo sa buhok niyang dati ng magulo. "You're supposed to say 'bakit?'!" Bulalas niya na ikinagulat ko.
"Ha?"
"It's a pick-up line. I'll ask you a question and all you have to say is 'bakit?'." Pagpapaliwanag niya.
"Eh bakit may ganyan-ganyan ka pang mga line? Mukha ba akong pick-up girl, ha?!"
Muli na naman niyang ginulo ang buhok niya at nakikita ko na talagang frustrated na siya. "It's what couples do, okay. Gusto ko lang namang subukan sa'yo. Tss."
BINABASA MO ANG
Aeternus: Eternal Love #Wattys2014
VampireNagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kan...