Chapter 34 - Julie of Drakus

1.6K 63 20
                                    

Third Person POV

Zamaria

Dalawang oras matapos ang labing-walong oras na tanging na ibinigay kay Julie...

"Nicholas.." Tawag ni Lil Saint sa kaibigang si Nicholas na nasa loob pa rin ng silid-pagamutan.

"Bakit Lil Saint? Bakit?!" Sigaw ni Nicholas at pinagsusuntok ang pader sa loob ng silid-pagamutan.

"Wag mo ng pahirapan ang sarili mo Nicholas. May rason ang lahat ng ito. Tanggapin na lang natin ang nangyari, pakiusap." Wika ni Lil Saint at binuksan ang pinto ng silid. Tumambad sa kanya ang lumong-lumo na hitsura ni Nicholas. Hindi mapigilan ng dalaga ang mapaiyak sa nakikitang kalagayan ng kaibigan.

"Tara na, Nicholas." Hinila ni Lil Saint palabas ng pagamutan si Nicholas. Sinenyasan ng dalaga ang mga kawal na pasukin ang silid-pagamutan para maihanda ang labi ni Julie mamaya. Kasalukuyan pa rin kasing pinagdidiskusyunan ng Konseho ang dapat gawin sa mga labi ni Julie.

Kaninang tanghali, nang sumapit ang huling tatlumpong minuto sa taning na ibinigay ni Rafael kay Julie, naglabas na ng anunsyo ang Zamaria tungkol sa pagkasawi ng dalaga, sa tingin kasi ng mga manggagamot ay malabo na talagang magising si Julie. Ipinakalat ang sulat sa buong kaharian upang ibalita ang kagitingang nagawa ni Julie.

 ---------------

"Kailangan na nating sunugin ang katawan niya Rafael!" Anunsyo ni Zagro sa buong Konseho. "Hindi natin alam kung ano ang maaring epekto ng katas ng itim na rosas sa atin. Baka kumalat  pa ito sa buong Zamaria pag hindi pa natin iniligpit ang babaeng iyan!"

"Maghinay-hinay ka sa pananalita mo, Zagro! Nalagay sa ganoong sitwasyon si Julie dahil sa pagligtas niya kay Nicholas. Baka nakakalimutan mo iyon?" Saway ni Zymyr dito.

"Umiiwas lang ako sa mas malaking problema, Zymyr. Lumampas na ang apat na oras na taning ng bampirang iyon. Ano pa ba ang hinihintay natin?" Patuloy na wika ni Zagro.

Sa isip ni Zagro ay kailangan ng mamatay ng tuluyan ang babaeng iyon. May kakaiba kasi siyang nararamdaman sa bampirang nakaratay sa silid-pagamutan, mas mabuti ng masunog ang katawan nito para makasiguro.

"Rafael, ano sa tingin mo?" Tanong ni Nicholai kay Rafael na ngayon ang tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana.

"Ginawa na namin ang lahat. May punto si Zagro, hindi natin alam ang epekto ng katas ng itim na rosas ngunit.." Ngunit inaalala ni Rafael si Nicholas. Paano tatanggapi ni Nicholas ang pagkawala ni Julie?

"Dahil na natin siya sa Mortus." Saad ni Gab at tinapik ang balikat ni Rafael. Alam ni Gab kung bakit nagdadalawang-isip pa rin ang kanyang kasamahan. Maging siya ay hindi makapaniwala sa biglang pagbabago ni Nicholas nitong mga nagdaang araw. Sadyang nakakalungkot lang at kay daling binawi mula kay Nicholas si Julie.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon