Third Person’s POV
“Mama . . Mama. Look, may nahuli akong mga alitaptap!” Tuwang-tuwang sabi ng batang Gabriel habang naglalaro sa bakuran ng kanilang bahay habang ang ina naman ay masayang nakatanaw lang dito.
“O Gabriel, dito ka lang dapat maglaro ha? Kundi baka pagalitan tayo ng iyong ama.” Bilin sa kanya ng kanyang ina. Tumango tango lamang ang bata at tsaka nagpatuloy sa paglalaro.
Ang mag-ina ay kasalukuyang nasa bakasyon at naninirahan sa bahay ng mga mortal na magulang ni Ana – ang ina ni Gabriel. Wala ang kanilang padre de pamilya sapagkat may inaasikaso itong misyon sa Zamaria, gayunpaman ay may kasama silang mga bampirang kawal para sa kanilang siguridad.
“Ana – ineng, pwede mo ba kaming saglit na tulungan dito sa pagluluto? Alam mo na, masyado na kaming matatanda at hindi na namin kayang magalaw-galaw pa sa kusina. ” Pakiusap ng ina ni Ana.
“Nay naman, hindi niyo naman po kailangan gawin iyan. May mga katulong naman po tayo.” Tugon ni Ana sa kanyang Ina.
“Ayoko nga Ana. Minsan lang kayong pumarito at dapat ako ang magsilbi sa inyo ng apo ko.” Masuyong tiningnan ng matanda ang malusog na batang tumatakbo-takbo sa kanilang bakuran.
“O sige po. Gabriel . .” Tawag ni Ana sa anak na agad namang tumakbo papalapit sa kanya ”Dito ka lang ha. Tutulong lang si nanay sa lola mo. Huwag kang maglalaro sa malayo. Naiintindihan mo ba ako?” Anito pagkatapos ay sinenyasan ang isang bampirang kawal na bantayan ng maigi si Gabriel.
“Opo mama. Ipagluto niyo po ako ng masarap ha? Yung masarap na masarap po! ” Bibong wika ni Gabriel. Ngumiti naman ang kanyang mama at ginulo ang buhok ng anak.
Nang makapasok na ang ina sa loob ng bahay ay nagpatuloy na ito sa paglalaro. Ilang minuto lang ay saglit itong tumigil ng may makapukaw sa interes nito na isang malaking insekto.
“Wow! A giant alitaptap! Wow!” At pumapalakpak pa ito dahilan upang lumipad palayo ang insekto na agad naman niyang hinabol. “Giant alitaptap, here I come!” Sambit pa nito at tsaka matulin na hinabol-habol ang insekto.
Dahil sa mabilis na pagtakbo para habulin ang alitaptap ay hindi na namalayan ng batang Gabriel na unti-unti na pala siyang napapalayo sa bahay nila. Hindi na rin siya nasundan pa ng mga bampirang kawal dahil sa angking bilis niya.
Unti-unting bumagal ang kanyang pagtakbo ng mapansing nasa loob na siya ng kagubatan. Hindi niya mapigilan ang unti-unting pagsibol ng mumunting kaba sa kanyang dibdib ng mula sa kinaroroonan ay hindi na niya matanaw ang lugar na kanyang pinanggalingan,puro kakahuyan na lang nakikita niya.
“Mama . . mama . .” Mahinang sambit niya.
Oo at tinuturuan siya ng kanyang amang si Gab sa pakikipaglaban ngunit hindi pa rin sapat ang kanyang batang kakayahan. At hindi lang iyon ang dahilan ng kanyang di mawaring pagkatakot ngayon. Forests had been always a favourite hide-out for rebel werewolves.
Nanigas ang buo niyang katawan ng may marinig na isang mahinang kaluskos na sinundan ng isa pa. “Sino yan? Sino kayo?” Pagtatapang-tapangan niya. Pinulot niya ang isang naputol na sanga upang maging sandata kung sakali mang may umatake sa kanya.
At hindi nga siya nagkamali dahil mula sa kanyang likuran ay may dumaluhong sa kanya na isang taong-lobo. Dali-dali naman niya itong itinumba sa kanyang harapan. Hindi pa nga siya nakakahuma ng may sumugod na namang dalawag kalaban sa kanyang magkabilang gilid.
Gamit ang mga natutunan mula sa kanyang ama ay agad niyang binawian ito ng malalakas na suntok at tira na dahilan upang mapatumba ang mga ito. At nang akala niya ay iyon na ang huling kalaban, agad namang nagsulputan ang iba pang mga taong lobo sa bawat bahagi ng kagubatan.
BINABASA MO ANG
Aeternus: Eternal Love #Wattys2014
VampirNagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kan...