Special Chapter - Aeternus: Eternal Love

2.4K 63 0
                                    

Third Person's POV

"Xander Briella!" Sigaw ni Lil Saint habang habol-habol ang limang taong gulang na anak. Oo, anak. Sa kanilang dalawa ni Camarri ipinagkatiwala ang anak nina Alexandros at Hannah.

"You'll freak her out, Mommy." Nakangiting pahayag ni Camarri mula sa likuran ni Lil Saint.

Maging si Camarri ay natuwa nang mapagpasyahan ng Konseho na silang dalawa ni Lil Saint ang  magpalaki sa anak nina Hannah at Alexandros.

Kahit na kalahating-mortal si Lil Saint, hindi pa rin nila sigurado kung magkaka-anak ito, sadyang mahirap magbuntis ang mga bampira, maliban na lang sa mga elemental na bampira na kailangan ng tagapagmana ng kanilang elemento. Ang mga ito'y hindi ganoon kahirap magkaroon ng anak, sa kapwa man bampira o sa isang mortal.

Hindi mapigilan ni Camarri ang alalahanin ang mga pangyayari ilang taon na rin ang nakalipas.

Naglalakbay si Ilias pauwi nang Zamaria nang marinig nito ang paghingi ng tulong ni Hannah sa kanyang isipan, dali-dali itong umuwi para masabi ang Zamaria at ang buong Konseho.

Mabilis silang nagpakalat ng kawal at sinuyod ang buong Zamaria, kalakip na ang karatig-gubat di kalayuan sa Kraden at Drakus.

Si Gabriel at ang kasalukuyang pinuno ng Zamaria na si Isaac ang nakatuklas ng mga abo nina Hannah at Alexandros, maging ang abo ni Zagro na kinilala ni Zymyr. Salamat sa malakas na iyak ni Briella noon kaya mas napadali ang kanilang paghahanap kina Hannah at Alexandros, at sa naulilang sanggol ng mga ito.

"You can't blame me, she's .. she's like her mom. Napakatigas ng ulo minsan." Nakangiting pahayag ni Lil Saint kay Camarri."Unti-unti kong nakikita kay Briella ang mga elemento ng mga magulang niya. Don't you think it's too early for that?" Tanong niya kay Camarri.

"Marahil, pero dalawang elemento ang namana niya. Idagdag pa na may dugong lobo na nananalaytay sa ugat ni Briella." Sagot ni Camarri kay Lil Saint.

"I'm just worried. " Maikling sagot ni Lil Saint at tiningnan ang batang itinuring na rin niyang sa kanya. Aalagaan ko siya, Hannah. Ituturing ko siyang parang anak ko na rin.

"Mommy!!! Daddy!!!!" Napalingon silang dalawa ni Camarri nang marinig ang malakas na tili ni Briella. Agad nilang nilapitan ang bata, napuno ng kaba ang kanilang dibdib sa  pag-aakalang may nangyari ng masama kay Briella. "Look!" Tili na naman ng bata.

Napasunod ng tingin sina Camarri at lihim na napangiti. Gamit ang apoy at kidlat, isinulat ni Briella sa katawan ng puno ang mga katagang: "I love my Mommy Lil Saint and Daddy Camarri."

"We love you too, baby." Magkapanabay na wika ni Camarri at Lil Saint sa bata.

Kinarga na ni Camarri ang bata at hinawakan ang kamay ni Lil Saint. Masaya silang pumasok sa palasyo ng Zamaria.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon