3

773 18 1
                                    

Chapter 3

Blink.

KINABUKASAN, pagpasok ko ng gate, makaramdam na agad ako ng kakaiba. Paano ko nalaman? Simply, because of my instinct.

In every step im taking, its getting weirdier. I wonder why.

"Oy, anjan na siya!"

"Hoy guys, dadaan na siya!"

Narinig kong sigaw ng isang estudyante.

Hindi ko sila pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko.

"Ooops, dumaan na si Flat."

"Maputi lang pero Flat."

"Hindi naman kagandahan. Maputi lang talaga. Plus, flat pa."

"Tama talaga si Fafa Levi. Flat siya." At sinundan ng tawanan.

Suminganot ako. Hindi na ako nagulat. Nadi-disappoint lang ako.

Lahat nalang ba ng baguhan binubully nila?

Balak ko pa naman sanang magsaya ngayong araw dahil nakasurvive ako kahapon sa first day ko dito. Pero i don't think that will happen. Lalo na kung ganito ang mga taong makakasalamuha mo.

What a messy day!

May babae pang nagpapansin na kunyari nagkabunguuan kami pero hindi naman talaga dahil sinadya nila. Tapos magsorry sa akin pero may kadugtong namang "Ms. Flat."

Argh! Kapag ako talaga napuno, bibigyan ko sila ng tig-iisang flying kick! Hmp!

Kasalanan ito ng lalaking iyon kahapon! Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako mabubully ng ganito. Papatayin ko talaga siya! Argh!

Huminto muna ako sa labas ng pinto ng classroom namin, nakita ko ang mga classmates ko na mayroong sari-sariling stasyon. Mayroong grupo sa isang sulok na nagkwekwentuhan, mayroong grupong nag-aaral, atbp.

Napaisip ako. Alam na kaya nila? Aasarin din kaya nila ako? Tanong ko sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok. Bahala na nga.

Napansin nila akong pumasok dahil sa tunog ng sapatos ko.

"Good morning Bliinkie." Masayang bati nila sa akin.

I feel relieved. Hindi nila ako inaasar! Is that mean, they're really kind? O di kaya naman ang magpapanggap lang sila para hindi nila ako masaktan?

Bliinkie! Yang iniisip mo, itigil mo na yan!

Kumaway sa akin si Jana at suminyas na umupo sa tabi niya.

Nang makaupo na ako sa tabi niya, bumulong ito. "Good morning Bink. Bakit nakasimangot ka?"

"May balita ba kayong narinig? Ahm, tungkol sa ak---"

"Wag kang mag-alala. Hindi kami kasing sama tulad nila. Isa pa, once na pumunta pa sila dito sa teritoryo natin, lagot sila sa President natin."

"President? Who?"

Ngumisi si Jana. "Si Olivia Cio. May pagkaboyish nga lang yon pero kapag inapi ang isa sa mga kakilala niya, hindinka niya titigilan. Kaya smile kana. Hindi sayo bagay sumimangot."

Nginitian ko siya. "Binola mo pa ako. Anyway, Thank you."

"Your welcome, friend."

Kampante na ang loob ko. Mabuti nalang dahil sila ang naging kaklase ko and i admit, ang swerte ko sa kanila.

Sinali din ako ni Jana sa usapan nilang magkakaibigan. Her friends are Olivia Cio, Sia Manoza and Chelsea Peres. Pero wala pa yung Chelsea, baka late.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon