87

157 7 0
                                    


Chapter 87

Chelsea.

"Ate girl, kanina ka pa lutang? Okay ka lang?" Tanong ko kay Blink. Para ba itong may hinahanap dahil kanina pa lingon ng ligon kung saan.

Naghahanap kami ng pwedeng matambayan at natagpuan namin ang kiosk, malapit sa court.

"H-huh?"

Siniko ko ito. "Ikaw ha. Anong iniisip mo? May hinahanap ka? Tell me."

"Ano ka ba." At inayos nito ang buhok. Namiss ko tuloy ang bangs nya. Mahaba haba na e. Wala na tuloy akong mapagtripan. "Wala no. I just feel uncomfortable."

"Uncomfortable? Why?" Tanong ni Sia. "May bumabagabag ba sayo?"

She shrugged her shoulder. "Dunno. It's odd, I think? Don't mind me. I'm really okay."

"Ano ba yan. Baka naman may multo dito? Gosh! Please leave us alone!" Maarteng turan ni Sia.

Mahinako namang sinabunutan ito. "Duh! Sa arte mong yan, hindi ka nya tatantanan!"

"Gagi! As if naman, hindi ka din, no? Naimpluwensyahan mo kaya ako."

"Yucks! Don't me!"Sabi ko. Panay lang ang ngiti ni Blink. I know, there's something bothering on her. And I'll find it.

"Tsk! Ang childish nyo!" Biglang turan ni Olivia. Napatingin kami rito at nagtawanan.

"Anyway. Kamusta ang umaga mo, Tombs?" Tanong ni Sia. Sinamaan ito ng tingin ni Sia. "We heard it!"

"I know, right." Sabi ko at niyakap sa braso si Blii. "Ikaw ate girl, alam mo?"

Tumango ito. "Ahm, yun ba yung magkasama sila kanina ni Jam?"

"Kyaaaaah! That's it!" Sigaw namin ni Sia at pinagpapalo ko si Olivia dahil katabi ko ito.

May kumakalat kasi kanina na magkasama ito at si Jamie. Ayaw sana namin maniwala pero nang makita namin ito, halos magtatalon kami sa tuwa. Gosh! Magkakalovelife na ata talaga ang kaibigan naming tibo!

"Aray!" Angil nito. "Masakit na ah!"

"Olivia, kayo na ba?" Tanong bigla ni Blii. Naistatwa kami sa tanong nito. Napakaseryoso din ng mukha nito.

Nakita naming nanlaki ang mata ni Oli. "What the... No! I mean, hindi kami."

"Ows?" Tanong muli nito.

Umiwas ito ng tingin. "Totoo ang sinasabi ko." Tumingin siya kay Blii. "I swear, gusto ka nya. Hindi ko naman ginusto ang nangyari noon--"

"May nangyari sa inyo?" Tanong muli nito.

Halos maputol na ang hininga namin ni Sia sa mga taong ni Ate girl. Gosh! Anong nangyayari? Bakit sobrang seryoso naman ata ng usapan nila?

"I mean, yung nagdress ako sa mall. Blii naman. Wag ka namang ganyan oh!" At humawak ito sa leeg.

"Then what?"

"Blii.." At huminga ito ng malalim. "She likes you. At wala akong balak na agawin siya since ayaw ko naman sa kanya."

"Really? Is that true?"

"Blinkiie naman!" Angil nito. "Bakit ganyan ang mga tanong mo?"

"Is that so? Wala kang gusto sa kanya?" Tanong muli ni Blii. Tumango si Olivia pero dahan dahan lang.

Blii sigh. "What if, may gusto sya sayo?"

"Huh?" Oli laughs nervously. "That's impossible! As what I say kani-kanina lang, gusto ka nya."

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon