92

143 6 0
                                    


Chapter 92

Levi.

Nasa labas palang ako ay rinig ko na ang ingay na kinaroroon ng kwarto ko. I know who's that, ang nag iisa ko lang namang Ate.

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.

"Where have you been, bro?" Bungad sa akin ni ate ng buksan ko ang pinto. Andoon ito nakaupo kasama si Mommy. Tatawa tawa lang si Dad sa gilid ni Mom at sumisipol sipol pa. I know he told him kung saan ako galing.

"Ahm, sa labas.." Turo ko sa labas. Sinara ko ang pinto at naglakad papasok.

"Oh, talaga ba? Ano namang ginawa mo doon?" Tumayo si ate at lumapit sa akin. "The nurse told you that you should rest. So tell us kung anong ginawa mo.."

Sumimangot ako sa sobrang kakulitan ni ate. Nakakainis din kapag may maingay kang kapatid. Tsk. "Nagpahangin lang."

"Really? Totoo ba talaga?" Tumaas ang gilid ng labi ni ate. Inirapan ko ito at humiga sa kamang nandoon. "Pwede ba ate, tigilan mo ako? I'm tired."

"Okay. You really deserve to rest anyway.." Humarap ito kay Mom. "Ano kayang ginawa nila ni Blink, Mom? Let me rephrase it. Anong ginawa nya kay--"

"Ate!" Saway ko dito. Humalakhak ito at sumubo ng ubas. "Hmm.. Sarap." She paused. "I'm really wondering. Gosh! Maybe they really nagpahangin sa labas, Mom." She giggles.

"Tumigil ka nga Leina. We bought fruits para sa kapatid mo, but look... Ikaw ang kumakain. Tss."

Ngumisi lang si ate. "I don't think he needs to eat. I'm so sure na he's already full na specially sa nakita nya kanina, Mom."

Napailing nalang ako. Nagpaalam sina Mom and Dad na uuwi muna sa bahay para magpalit. Nang akmang pipikit na ako bumukas ang pinto.

"Good morning po." Sabay sabay na turan ng bagong dating. Nagulat pa ako ng makitang kumpleto sila, ang buong team at may dala din itong pagkain. Anong ginagawa ng mga ito dito?

I know hindi para kamustahin ako kundi para asarin ako. Tsk.

"Oh, kayo pala. Come on. Tuloy kayo." Sabi ni ate, niluwagan nito ang bukas ng pinto at pinapasok ang mga ito.

"Captain, kamusta na? Miss ka na namin." Sabi ni Dex ng makalapit. I tsked. "Gago."

"Ate Lei, minumura kami ng kapatid mo." Sumbong nito dito. Pero imbes na sawayin ako ni ate, nakisakay pa ito sa mga ito. "You all know what? I don't think miss nya din kayo. Dahil may tao siyang sobrang miss na miss."

"I know right." Turan ni Jamie at ginaya pa ang nasa commercial. Nauwi tuloy sa tawanan.

"Actually, hindi nga nakatiis eh. Lumabas pa talaga kanina even though, the nurse told him to rest. Nagpumilit."

"Aguuuuuy!" Nagkaingay sa buong kwarto. Pinag-aasar ako ng mga ito at hindi tinigilan.

"Alam din naman namin yun Ate Lei. Eh kung hindi nga nya makita ang taong yun, magwawala yan."

"Oo Ate Lei. Mababaliw yan kapag hindi nakita yon."

"Sa ganda ba naman nun, Ate. Hindi ka kakabahan?" Sabi ni David.

"Kakabahan for what?" Pagmamaang maangan ni Ate.

"Kababahan na baka maagaw ng iba!" At nagtawanan ang mga ito. Tumayo ako. "Please leave. I want to rest, okay?" Natahimik ang mga ito.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon