12

629 12 1
                                    

Chapter 12

A/N: Sorry for the late update. Nagkasakit po kasi ako. Hope you understand. :) Thanks!

****

Blink.

Inalalayan ako ni Jamie papunta sa clinic. Dahil may mga classes, madaming nakakita sa amin.

"Nakakahiya naman Jamie--"

"Don't mind them, Blink. They're just talking nonsense."

"Sige." Maikling sabi ko at hindi na muling nagsalita. Wala na din naman akong maidudugtong pa.

Lalong lumakas ang usap-usapan dahil kasunod namin sina Zino akay-akay ang lalaking tumulong sa akin.

"Anong nangyari?"

"Bakit may sugat si flat?"

"Oh my gosh! Bakit nahimatay si fafa Levi?"

"Saan sila pupunta?"

"Gosh! Bakit wala akong alam sa nangyayari?"

Napailing ako. "So noisy, parang mga bubuyog eh."

Tumawa si Jamie. "Chismosa kamo."

"Ha?" Nagtatakang sabi ko. "Nabasa mo ang nasa isip ko?"

Tumawa muli ito kaya natawa na din ako. "Sinabi mo kaya. Narinig ko lang."

"Ah. Hehehe." Nahihiya ko sabi. Nasabi ko pala? Yayks! Nakakahiya!

Nang makarating kami sa clinic, agad kaming inasikaso ng nurses.

"Labas po muna kayo." Ani ng nurse kina Jamie.

"Pero kailangan--"

"Labas po muna kayo. Tatawagin ko nalang kayo kapag tapos na." Ayaw man ng mga ito pero pinagtulakan talaga sila ng nurse. Natawa nalang ako. This nurse is cool!

Nang makalabas ang mga ito, sinarado nito ang pinto at bumaling sa akin.

"Hi. I'm Nurse Mika. Pagpasensiyahan mo na ako dahil pinalabas ko ang mga kaibigan at kaklase mo. Ayoko kasi ng maiingay."

Ngumiti ako. "Okay lang po. Hehe."

"Okay." Sabi niya at kinuha ang mga gamit na gagamitin sa akin. "What happened? Nagasgasan tuloy ang makinis mong balat."

I smile. She really cares for me, as a patient. She's a good nurse. "May student po kasing nagbabalak na gumawa sa akin ng masama." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin. "Teka. Transferee ka ba? Ngayon lang kita nakita e."

"Yes Nurse." Sabi ko.

"Hmm." Sabi niya at tumango tango. "Ang ganda mo. Akala ko hindi ka nakakaintindi ng tagalog. May lahi ka ba?"

"Korean po. Hehehe. My father is Korean citizen."

"Wow." She said and I can see amusement in her eyes. "Kilala mo ba si Zino Jae? Student yon dito. Korean din siya."

"Yes. I know him Nurse."

Tumango ito. "Pero back to topic tayo." Sabi nito pero patuloy pa din sa paggagamot sa sugat ko. "Ano ba talagang nangyari? Kilala mo ba iyong taong gumawa ng masama sayo?"

"Sabi po niya sa akin, Joko daw siya. He's so creepy."

"Tssk. That person. Dapat talaga pinapatalsik na yon e. He's known as a black sheep on their family."

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon