52

346 9 3
                                    

Chapter 52

A/N: I dedicate this chapter to @KriselAnnBalboa. Thank you so much. Godbless. <3

****

Blink.

"For now, wala na kaming nababalitaan pa." Sabi ni Chelsea. Magkausap kami through skype ngayon dahil break time ngayon at wala pa kaming ginagawa.

Nakaramdam ako ng tuwa. "You think, okay na kaya iyon? What if, hindi pa pala? Tapos yung mga tao--"

"Ano ka ba naman Blii, wag ka ngang nega." Saway sa akin ni Jana. Both of them assigned in one area kaya magkasama ang mga ito ngayon.

Tumango nalang ako. "Okay, fine. Maniniwala na ako sayo."

Jana wink at me. "That's my friend."

At sinundan namin iyon ng tawanan.

"Kamusta ka naman, jan? Namimiss ka na namin ate girl." Sabi ni Chelsea. Nagpangalumbaba pa ito. "Nagsasawa na ako sa mukha ni Janapot."

"Grabe siya oh. Pagkatapos mong humiram ng liptint, ganyan ka na sakin?"

"Ay, walang ganyanan!" Sabi nito kaya nagtawanan kami. "Namimiss ko na din kayo." Pag amin ko na din.

"Anyway, pinapasabi ni Oli---"

"Frieeeeeeend, halika na, break time is over!" Sigaw naman ni Klary kaya naputol ang sasabihin nila.

"Oo, susunod ako." Sabi ko rito. Pero dahil masyadong makulit ito, pumunta pa talaga ito malapit sa akin at siya na mismo ang nagpatay ng phone ko. "Ayan, wala na. Halika na?"

Napapailing nalang ako. "Grabe ka sakin, Klar."

Ngumisi ito. "Madamot kasi ako friend. Kapag sa akin, sa akin lang."

"So, sayo ako?" Pagbibiro ko dito. Tumango naman ito. "Yes. Absolutely."

Tumawa nalang ako. Mamaya ko nalang siguro ulit kakausapin sila Chels and Jana. I know, maiintindihan naman nila ako.

NAKALIPAS ang buong maghapon, nakadama ako ng pagod. Madami kasi kaming ginawa at pinagawa sa amin. Lupaypay ako ng makauwi sa bahay.

"Eomma,magpapahinga po muna ako." Sabi ko kay eomma nang makita ko ito sa library. I kiss her cheeks. "Okay. Sasabihin ko nalang kay appa mo."

"Thanks eomma." Sabi ko rito at nagtungo na sa sariling silid. Bago matulog, nagtext muna ako kay bloodfear at sa mga kaibigan ko, humingi na rin ako ng sorry sa inasal ni Klary.

Nagreply si Chelsea na okay lang pero si Jana, hindi. Kinabahan ako. Nagalit ba siya? Nagtampo o wala lang siyang load? Pero imposible. Si Jana, mawalan?

Dahil nga pagod ako, isinantabi ko na muna. Bukas ko nalang muli ito iisipin.

Lumipas ang ilang araw na wala ana akong naririnig tungkol sa mga kaibigan ko. Hindi ko naman iyon ikinababahala dahil alam kong busy rin sila tulad ko.

Being a practicumer is rough and difficult pero carry naman. Enjoyable.

And I feel something is changing. I dont know what is it but I find it weird.

Really weird.

"Blink, sa reception section daw tayo pupunta ngayon." Sabi sa akin ng kasabayan ko. Tumango ako rito at ngumiti. "Thanks."

Habang naglalakad, may nakabungguan ako. Kung wala lang si Klary sa likod, may tendecy na matumba ako. "Oh, sorry." Sabi nito.

Inayos ko ang suot kong uniform dahil nagusot ito.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon