40

418 10 0
                                    


Chapter 40

Levi.

Ate wake me up too early. Halos hindi ko maimulat ang mata ko dahil sa antok. Ano ba kasing problema nitong si ate?

"Ate naman! Inaantok pa ako!" Reklamo ko.

"Ano ka ba! Dad called me! Tayong dalawa ang representative ng company na pupunta sa charity event!"

"Argh!" Daing ko at tinakpan ng unan ang aking mukha.

"Bro!"

"Susunod nalang ako." Hirit ko pa. Buong akala ko, umalis na ito pero doon ako nagkakamali.

Bigla nitong hinablot ang unan na nakatabon sa aking mukha. "Tatayo ka o tatayo ka?"

Wala akong ibang choice kundi ang tumayo. "Okay fine! Get out."

She widely smile. "Good. I'll give you 30 mins to prepare." Then she leave.

Napabuntong hininga nalang ako. This is what I really hate. Wala naman akong gagawin doon eh! And mostly, pwede namang si ate lang ang pumunta, darn it!

Kahit labag sa kalooban, nag asikaso na ako. Pagbaba ko, nakita ko si Mommy na kausap si ate.

"Good morning, Mom." I kissed her cheeks.

"What took you so long?" She ask.

Nanlaki ang mata ko. "Matagal na po yon? I only take..." Tiningnan ko ang pambisig ko na relo. "28 minutes and 4 seconds."

"15 minutes is enough, Janus." She exclaimed. Natahimik nalang ako. Tss.

"Sorry." Nasabi ko nalang.

We ate our breakfast first. Hindi rin pumayag si Mommy na umalis kaming walang laman ang tiyan. Nakakapagtaka, masyado niya kaming inaasikaso just like before.

Before when our family is happy and... Complete. I smile sadly. Miss those times.

Hinatid kami ni mommy hanggang sa kotse ko. Pinaupo ko na muna si ate sa passenger seat bago ako umupo.

"Drive safely, Janus."

Tumango ako. "Yes Mom."

Pinaandar ko na ang sasakyan ko. Habang nasa daan, si ate ang unang nagsalita. "It's weird."

"Huh?"

"Mom is weird." Ate said. Oh, nahalata din pala niya? I thought I was the only one.

"Yea."

"I'm starting to think," She look at me. "Mom is inlove."

Agad kong napreno ang sasakyan. "What the...."

"Levi! Ano ba!" Tili ni ate sa gulat. Mabuti nalang nakasuot ito ng seatbelt.

"Sorry. Ginulat mo ko." Hinging dispensa ko. But, what if, totoo nga?

Napailing nalang ako nang makitang nagmemake up na ito. Tss. Kikay.

Nang makarating kami sa venue, napansin kong medyo madami ang tao. Sumusunod lang ako kay ate dahil wala naman akong alam na gawin.

"Maligayang araw. Salamat sa pagdating." Salubong ng isang matandang babae sa amin. Agad namang ngumiti si ate. "Hello po. Salamat po, Mother."

Tumango ito. "Halina at igagaya ko kayo sa loob." Pagmamagandang loob nito.

"Mother? Mama mo?" Tanong ko na pabulong kay ate. Kinurot ako nito patago sa tagiliran. "Madre yan. Gumalang ka!"

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon