70

267 13 8
                                    


Chapter 70

A/N: Please read my new story entitled "Officially Yours" starring Chester oppa and Jex Leina. Please support their story as you support this story. Hehe. Kamsahamnida. :*

****

Levi.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. This day is my chance. Gusto ko nang itama ang lahat ng pagkakamali ko. "Please gf... Be mine again."

Bahagya naman itong umatras at umiling iling. "A-ano?"

"Please. Be. Mine. Again." Sabi ko.

Tumawa ito ng pagak. "Nagpapatawa ka no? Infairness huh? Effective naman." After that, she walk away.

Hindi ko na siya nahabol pa dahil hinang-hina na ang tuhod ko. Para bang naubusan ako ng lakas pagkatapos niya akong iwan. Bakit ganito? Sinunod ko lang naman ang puso ko. Bakit nasasaktan na naman ako?

Sobrang sakit.

"Captain, halika na." Sabi ni Kyle habang kinukuha sa akin ang gitarang dala ko. Kasama ko ngayon sina Kyle, David at ang kambal, si Dex and Den. At siyempre, nasaksihan din nila ang nangyari.

Unti unti na ring umaalis ang mga taong nasa paligid. Napaupo nalang ako sa sahig. "Ang hirap. Ang hirap ng ganito." Sabi ko.

"Captain, madami pang panahon. Pwede namang sumubok ulit tayo." Sabi ni Den. Sinabunutan ako ang sariling buhok. "Bakit ang hirap niyang abutin? Nasa harap ko na siya pero hindi ko parin nakuha."

Actually, alam na nila ang lahat dahil sinabi ko na sa kanila. Alam na nilang pinsan ko lang si Jehannie. Noong una, ayaw nilang maniwala pero hindi nagtagal, naniwala rin sila at pinagtawanan pa ako.

Napabilib sila sa akin dahil napaniwala ko daw sila. I just told them that it was her plan, not mine.

Kaya nang malaman nila ito, agad nila akong binigyan ng mga payo at gawin ang bagay na dapat kong gawin. Tulad ngayon, isa ito sa mga pinapagawa nila sa akin pero walang napuntahan.

Isang napakalaking palpak.

Nakasakay na kami sa sasakyan ni David na ginamit namin para pumunta rito nang may tumawag kay Kyle.

"Mga brad, si Coach Ret."

"Sagutin mo." Sabi naman ni Den. "Baka may importanteng sabihin."

"Yow Coach? Wassup?" Sabi nito. Narinig namin ang pagbuntong hininga ni Coach sa kabilang linya. Nakaloudspeak kasi ito.

Natawa naman ng mahina ang mga baliw.

"Where are you? Bakit hindi ko macontact si Deocarezo?"

"Ah Coach, kasama ko po sila." Sabi ni Kyle. Napatingin sila sa akin. "Bakit kaya?"

I shrugged my shoulder. "Dunno."

"Kyle, tell the team that I need to talk to all of you now. Asap." At pinatay na nito ang tawag.

Bigla silang napadaing. "Ano na naman ang kailangan ni Coach?" Sabi ni Dex.

Last time kasi nung pinatawag din kami, pinaglinis kami kasama ng mga janitors sa buong campus. Dahil daw hindi na kami nag-eensayo, ito ang kaparusahan.

Pagdating namin sa court, naroroon na ang iba at naghihintay sa amin. Agad namang kumaway ang mga ito. "Hello brads!" Sabi ni Ian.

"Wow. Plural." Ani ni Den.

"Anong ganap?" Tanong ni David. "Asan si Coach?"

"Nagwiwi ata o nagpupu. Depende." Sabi ni Henri. Nagtawanan kami, I mean, sila lang. Mga isip bata.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon