18

594 17 2
                                    

Chapter 18

A/N: Hi. :) Actually, hindi sana ako mag-uupdate ngayon. Kasi diba sabi ko hindi ako nag uupdate every weekend pero hindi ko yan tutuparin sa ngayon. HAHAHA. (Katatapos ko lang manood ng kdrama. 1:06 AM na po. Hahaha.)

Well, natutuwa lang kasi talaga ako. Medyo dumadami na kasing nagbabasa nitong story ko. :) So I want to say THANK YOU po sa inyo. Kahit alam niyong madaming mali lalo na sa grammars and typos. Hahaha. Godbless!

****

Levi.

Good morning Monday! Sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.

Maaga siyang nagising sa hindi malamang kadahilanan.

He does his daily routines. After that, bumaba na siya. Nakita niya ang kaniyang ate na nasa kusina at nakaharap sa ref.

"Good morning ate!" Bati ko. Lumingon naman siya sa akin. "Good morning. Mukang good mood ka ngayon ah? Anyare sayo bro?"

"Hindi naman. Masaya lang talaga ako." Katwiran ko.

She face me. "Masaya? Bakit? Magkatext na ba kayo nung flat na sinasabi mo? Naks. Congrats bro!"

"Ate." Sabi ko in warning tone. Nawala tuloy ang ngiti ko. "Wag mo naman ang inisin oh."

Tumawa lang siya. "Asus. Pagalit galit ka pa jan pero ang totoo naman, nagagandahan ka sa kaniya."

Naistatwa ako. Sapul ako sa sinabi ni ate. Oo, nagagandahan ako kay flattie. Pero hanggang doon lang yon. Hindi ko siya gusto! Flat siya! Ayaw ko sa kaniya!

FLAT!

FLAT!

FLAT!

"Oh, edi natahimik ka? Ayaw pa kasing aminin." Sabi nito. "Halika na, kakain na tayo."

Kumain ako ng tahimik. Hindi ako makaimik dahil totoo naman. Badtrip talaga.

Pagdating ko ng school, nagkakagulo. Bakit kaya?

Ngumiti naalang muna ako. I should start my day with a GV. Good vibes men!

Nagsimula na akong maglakad.

"Gosh! Anjan na si Levi!"

"Ang gwapo talaga niya."

"Ang hot niya lalo na kung bumababa siya sa kotse. Gosh!"

Napapailing nalang ako. Ganito talaga ang mga gwapo. Pinagkakaguluhan. Hmm.

Nahinto pa ako ng makitang puno ng studyante ang bulletin of information. Bakit na naman? Minsan lang ito dayuhin ng mga studyante dahil minsan lang din magkaroon ito ng posters.

Nagkibit balikat ako. Siguro dahil malapit na ang acquiantance. Hmm, maybe? Yeah.

"Captain!" Tawag ni Kyle. Kasunod nito si Jamie at Zino. "Good morning!"

"Morning." At ngumisi ako. "Anyare sa inyo? Excited kayo sa friday ano?"

"Huh?" Naguguluhang turan ni Jamie.

Ang totoo niyan, ayos na kami ni brad Jamie. After that incident, kinagabihan nag-usap kami through Skype. Pareho kaming humingi ng sorry sa isa't isa at pagkatapos noon, pareho din kaming nagtawanan. Parang mga baliw lang.

Hindi naman talaga kasi nagtatagal ang away namin. Once na mag-away kami, maya maya, okay na.

Hindi kasi namin ugali ang patagalin pa ito. Ito rin siguro ang isa sa mga dahilan ng pagiging matatag ng aming kagkakaibigan.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon