71

257 14 11
                                    


Chapter 71

Blink.

I was so mad when oppa told me something. Mayroon na naman kasing nagpost nang picture ko sa social media kasama ang ilang mga nakasama ko noong nakarating linggo .

Tulad nalang noong kasama ko si Jamie na kumain kami sa labas, at nag iwanan pa talaga ang ilang tao ng negative comments na nakakasakit sa damdamin.

Like, 'I deserve it because I'm a bitch.'

'Malandi'

Basta mga ganoon! Aish. Wala silang magawa sa buhay.

Tsaka noon kasama ko din si oppa, si Zino at ni Sean. Gosh! Ginawaan talaga nila ng issue ang litratong magkasabay kaming maglakad ni Sean. Ang nakakainis pa, talagang binabash nila ako.

At ang pinagkakaguluhan nilang pag usapan ngayon, ay ang ganap sa airport! Sino ba kasi ang pasimuno nang lahat?

Naiinis na talaga ako ng bongga! Kelan ba nila ako titigilan? Inaano ko ba sila?

Alam nyo yung feeling na hindi man lang ako makahanap ng kalayaan sa ginagawa nila. Panay ang masid nila sa akin, panay ang namnam. Nakakainis kaya. Tinalo ko pa ang isang kriminal.

My goodness!

At ang isa pang palaisipan sa akin, kung magkakaroon ng party sa Sabado, bakit kailangan akong nandoon? Bakit kasama ako at para saan ba talaga ang party na iyon?

Ipapakilala na kaya ako ni appa sa kanyang mga kasosyo sa trabaho? Kaloka mag-isip! Hays.

Dumating ang araw ng Sabado...

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Wala akong alam sa mangyayari mamaya bukod sa magkakaroon daw ng party. And my appa mentioned last time na magkaroon daw ng camera crew dahil magkakaroon daw ng highlight sa party. I don't know what's that for.

Ang weird, di ba?

I know what my brother hates the most. At ito ang may umaaligid na paparazzi, reporters camera crew and such.

Naglalakad ako papasok ng studio habang tinanggal ang suot na cap nang may nahagip ang aking mata sa lobby.

They're here!

Kumakaway ang mga ito sa akin. Nginitian ko sila at kinawayan din. Nawala ang ngiti ko nang makita ko siya. Ang taong minahal ko noon pero hindi na ngayon.

Totoo ba? Sabi ng isip ko. Napaisip din ako. Ano ba itong naiisip ko!

Mataman siyang nakatingin sa akin kaya napabuntong hininga ako.

Sininyasan nila akong lumapit kaya lumapit naman ako. Hindi ako bitter pero parang ayaw ko siyang makita. Gosh! Hindi ko pa din malilimutan ang ginawa niya sa airport!

"Hi Gorgeous." Sambit ni Jamie at lumapit sa akin. Nginitian niya ako ng matamis. "You're here."

"Ahm," tumango ako at ngumiti rin. "Yeah. Andito nga ako. H-hehe."

Nagtawanan sila. Sumingit naman ang iba kay Jamie kaya napunta ito sa likod. Napapiling nalang ito.

"Miss Ganda, ano ba talagang ginagawa mo dito?" Tanong ni Kyle. Nakangiti sila sa akin. Magsasalita na ako ng sumabad ni Dex. "Oy teka lang! Susuportahan mo ako, no?"

Bigla namang may umakbay sa akin na ikinagulat ko. Well, it's Zino. He then face the group. "First of all, she's not here to support you, second, she's here because this is their property. They own W's Rhythm. Any more questions?"

Hindi nakasalita ang mga ito bagkus, natameme. Muling nagsalita si Zino. "C'mon Blink. Hyung is waiting."

Tumango nalang ako at nagpatianod kay Zino kung saan man kami pupunta. Bigla naman akong kinurot ng mahina sa braso ni Zino.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon