22

521 10 2
                                    

Chapter 22

Jamie.

Damn! Is that really Blink? I mean, bakit hindi ko agad siya nakilala? Kaya pala nakaramdam ako ng kakaiba, i thought I know that person, but seriously, I really do!

"Seryoso ka Mayora? Si Miss Blinkiie yon?" Tanong ni David.

Mayora nods. "Oo nga. Bakit kilala niyo si babygirl?"

"The heck! Babygirl?" Tanong ni brad Levi. Napalakas ang boses nito kaya lahat ng naroroon napatingin rito. Nagpeace sign din ito pagkuwan para mabawasan ang pagkapahiya.

"Yup. Oh? Why do you look so shock?" Takang tanong sa amin ni Mayora. Umiling iling nalang si Levi at pagkuwa'y parang may malalim na iniisip.

Kahit ako, hindi makapaniwala. Ang ganda niya. Kung noon maganda na siya, ngayon ay sobrang ganda na niya. Pero bakit hindi niya ko nilingon kanina? What's wrong?

"Brad." Tawag ni David sa akin kaya mapalingon ako. "Ha?"

"Kanina ka pa tulala. Aguuuuy. Share mo naman!" Si Kyle.

"Wala. I'm just thinking of--"

"Thinking of Miss Ganda? Nako. Wag ka na umasa. Kay Zino na yon!" Si David kaya nagtawanan ulit ang mga ito.

Napansin kong tahimik pa din si Levi. Anyare don?

"Well, maganda talaga ang alaga ko!" Mayora said confidently. "Acquaintance nyo nga pala mamaya. So, may partner na ba kayo?"

Umiling ako. "Wala pa kami."

"Aketch nalang! I won't say no!" Tili ni Mia na ikinatawa ng naroroon.

Napailing nalang ako. "Hindi ako pumapatol sa bakla!"

****

Levi.

Seriously? Si flat talaga iyon? Does that mean, nagpagupit din siya?

Darn, Levi! Alangan namang bumili ng groceries sa parlor? The heck!

Napapikit ako ng mariin at bumuga ng hangin. I really can't believe what I've really saw. And for an unknown, reason, I want to follow whenever she goes and grab her hand so I can stare at her face clearly and nearly.

What the hell are am I thinking about?

"Waaah! Ayoko naaaaa!" Sabi ko at umiling-iling. "No! No--"

"Are you okay, baby boy?" Sabi ni Mayora at pinisil pisil ang braso ko. "Tell us. Baka mapaano ka. May masakit ba sayo, hmm?"

Natatawa lang sina Jamie sa gilid kaya naman kinuha ko ang pinakamalapit na bagay sa akin at ibinato sa kanila. "Shut up!"

"Nako Mayora. These past few days, ganyan na yan. Hindi namin alam kung nasasapian ba yan o kung ano." Natatawang sabi ni Kyle kaya binato ko muli ito.

Tinawanan lang ako ng mga mokong. Argh! Bakit ba kasi nasasabi ko iyon ng malakas? Badtrip!

"May problema ka ata brad eh? Share mo naman para bawasan yang dinadala mo." Si David.

"Meron talagang problema mga brad. Problema sa utak." Si Jamie kaya lahat ng tao pati mga bakla ay nakitawa.

Dahil sa inis, inirapan ko nalang ang mga ito. Mga baliw! Wala akong problema sa utak!

"Ang gwapo mo talaga!" Biglang tili ni Mayora dahil tapos na niya kong maayusan at magupitan ng buhok. Nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin, napangisi ako.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon