35

497 12 1
                                    


Chapter 35

Blink.

Dahil nga ako daw ang masusunod, sa Jollibee na kami pumunta. I'm so happy since this will be my first time going to a fast food chain. Ayaw kasi ni appa na pumunta sa mga ganyang lugar dahil hindi daw tayo nakakasihuro kung malinis ba ang naturang lugar.

And I disagree. Bakit madaming pumunta at madaming customer kung hindi malinis ang lugar? Syempre kung sakali ngang madumi, madami nang nagkasakit o di kaya ay mayroon nang nagsampa ng kaso dito. Right?

Sabay sabay kaming pumasok sa loob. Dahil sa ingay na likha ng aking mga kasama, madami ang nakatingin sa amin at ang iba pa ay natulala. That's not a surprise anymore. Alam ko naman na may mga mukhang ipinagmamalaki ang apat kong kasama. At hindi ko na itatanggi iyon.

Mas nangingibabaw lang talaga ang kagwapuhan ni blo......... Oh no!

I shook my head. My goodness! Bakit ko ba naisip iyon?

Ayon sa reaksyon ng iba, mahahalata mo na kilala nila kami. Sadyang mga sikat lang talaga ang aking mga kasama.

Nang makahanap ng mauupuan, nag umpisa na kaming kumain. At habang kumakain, napagdesisyunan nilang  maggroupie kaming lima. Dahil si Kyle din naman ang nagsuhestiyon, siya na ang kumuha ng mga litrato.

Nakailang pictures din kami, may wacky, may nakasmile, may stolens at madami pa. Dahil sa ingay namin, lagi nalang kaming nakakaagaw ng atensyon ng ibang tao pero hindi nila iyon pinapansin. Ako ang nahihiya sa kanila, goodness!

Ako nakang ang humihingi ng pasensya para sa kanila.

Naging maayos naman ang lahat at nag-enjoy talaga ako. Masaya din ako dahil sa kanila, kasi pumauag sila na rito kami kumain. Kaso, para lang talaga silang mga bata. Don't me. I'm more behave than them.

"Paano na yan, bye bye na? Maghihiwalay na tayo. Wala talagang forever." Sabi ni David habang umiiling iling.

Nakatanggap ito ng sandamakmak na batok mula sa mga kaibigan. Napangiti na din ako. Levi and Jamie looks okay now unlike earlier.

"Korni mo!"

"Aguuy! Baduy mo!"

Andito na din kasi kami sa labas para umuwi.

"Hiwalayan na nga talaga. Salamat Miss Ganda sa time!" Sabi ni Kyle.

"See you sa practice!" Pahabol pa nito. Kay Bloodfear muli ako sumabay. Nagpahatid ako hanggang sa school gate, pero dahil makulit talaga ito, hinatid ako sa main gate ng EV.

"Salamat." Sabi ko sa kanya. Sumaludo ito. "Basta ang usapan ha?"

Tumango ako. "Okay. Uwi kana."

"Pasok ka muna, gf."

"Alis ka na. Malapit na ako e. Ikaw malayo pa." Sabi ko.

Sumandal ito sa sasakyan. "Uuwi na ako kung tatawagin mo akong bf."

Nanlaki ang mata ko. "Bloodfear!"

He chuckles. "Sige na. Malayo naman si Manong guard."

Nakatingin sa amin si Manong guard. Hala, baka isumbong niya ako kay appa? At kay eomma? Waaaah!

"Fine! Uwi ka na, bf." Sabi ko at tumakbo palayo rito. Narinig ko pa ang lakas ng pagtawa nito. Gosh! Hindi pa din ako sanay!

****

Jamie.

I am watching them from a far. Sinundan ko sila mula kanina pa nang hindi nila alam. Why do I feel envy towards brad? Normal lang ba ito?

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon