14

591 16 6
                                    

Chapter 14

A/N: Hello everyone! Anyway, i just want to tell you guys that my schedule next next weeks and more might be hectic due to our finals so I'm not sure if I can update often. But still, I'll try my best para makapag update. Loves ko kasi si Levi. Lol. HAHAHA. Hope you understand. Thanks!

****

Blink.

Umupo ako sa tabi ni Zino. Tumabi din sa kabila si Jamie. Dahil mahaba ang mesa, nagkasya naman kaming lahat doon.

"Miss Blink, kamusta ka na?" Tanong nung lalaki. Ngitian ko siya. "Okay lang. Ikaw?"

"Aguuuuy. Tinanong mo talaga ako?" Sabi nito at malaki ang ngiti sa labi. Natawa nalang ako.

"Baka nakakalimutan mo, ako si David." Sabi nito. Tumango ako. Lahat naman sila ay nagpakilala muli kaya hindi na ako gaanong nalito.

"Gwapo ba ako?" Tanong ni Ian. Nginitian ko siya. Sasagot na sana ako ng sumingit si Henri. "Wag mo nang sagutan Miss Blink. Baka madisappoint yan kapag sinabong pangit siya."

"Aguuy. Saklap brad!" Sabi ni Carlo at sinundan na naman ng tawanan.

Sa lahat ata ng nakilala kong mga tao, ang grupong ito ang hindi nawawalan ng tawanan. They're all happy-go-lucky people. Hindi ka maiinip na maging kasama sila.

"Will you all shut up? Ang iingay nyo. Kakain tayo, sobrang dadaldal niyo. Tsk." Masungit at swabeng turan ni Levi. Napatingin ako sa kaniya. Sakto namang tumingin siya sa akin. And for the second time, inirapan niya ako.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa. Gustuhin ko mang ngumiti nalang kaso hindi ko napigilan. Napalakas ang tawa ko kaya lahat sila nakatingin sa akin ng may pagtataka.

Nang ilang sandali, napansin kong madami ng nakatingin sa akin pati na ang ibang studyante na malapit sa amin. "Sorry." Sabi ko at nagpeace sign.

Nagtataka din akong siniko ni Zino. Ang mga mata nito ay nagtatanong. I mouthed him later kaya naman tumigil na din siya at nagpatuloy nang kumain.

Hindi ko natapos ang aking pagkain. Hindi ko alam kung bakit. Masarap naman ang pagkain pero ang feeling ko ay yung tipong parang busog na busog pa ako despite na hindi naman ako kumain ng madami kaninang breakfast. Weird right?

Hmm. Siguro dahil na rin sa hindi ako sanay na madaming kasama o ang awkward lang dahil puro lalaki ang aking kasama? Ays. Pareho lang yon eh!

"Miss Blink, ang kunti mong kumain. Pangit ba ang lasa? Ayaw mo ba ng pagkain?" Tanong sa akin ni Ian. Katapat ko kasi siya.

Nginitian ko siya. "Im fine. Konte lang talaga ako kumain."

"Sabihin mo lang, pwede namang umorder ako kung among gusto mo." Sabi naman nung Carlo na nasa tabi ni Ian.

"Nako. Kaya pala sobrang payat mo eh, ang konte mong kumain." Sabi naman ni Jamie at hinawakan ang kamay ko.

Lahat sila ay tumingin sa aming mga kamay at mayamaya pa, inulan kami ng asaran na naglikha ng ingay.

"Aguuuy. Para-paraan nga naman!"

"Mga galawan mo brad!"

"Simpleng hokage ka brad!"

"Ay ay ay pag-ibig." Kanya ni Henri at sinundan nila ito. "Nakakakilig!"

Tawa na lang ang naisagot ko. Ano ba yan! Nakakahiya! Hindi kasi ako sanay na inaasar ng ganito.

Inalis ni Zino ang kamay ni Jamie sa akin. "Tama na brad. A minute is enough."

Lalo silang nagkaingay. Ang iba ay naghahampasan pa at ang iba naman ay todo ang halakhak na animo'y wala ng bukas.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon