28

546 8 4
                                    


Chapter 28

Blink.

Nakauwi ako sa bahay ng lutang. Ewan ko ba. Nang matapos ang usapan namin, hindi ko alam kung ano nang nangyari sa sarili ko.

Nagising ang diwa ko ng magsalita si eomma. "Blii, you're here!"

Pinilit kong maging masigla ang boses ko. "Eomma, annyeong."

"Bakit ang aga mo umuwi? Wala ka bang klase?"

Umiling ako. "Wala po. May meeting daw po eh." Sabi ko at bumaling sa mga bagaheng nilalabas ni Manong Kanor. "What's that for?"

Biglang may nagsalita sa aming likuran. "I have to move. For the mean time, I'll stay on my condo, lil sis."

"Oppa..." Bigkas ko. Bigla akong nalungkot. Edi yung disadvantage ng trabaho niya eh.

"But, why? Is there something wrong?"

"Ddal," Si eomma. "Dapat na tayong mag-ingat. Everyone was looking for your oppa until now. May mga paparazzi and reporters ding pakalat kalat. And this decision, is the best for us."

Alam ko ang pinupunto ni eomma. Na baka, pagkaguluhan kami once na makita si oppa dito sa bahay. Madami ang matatanong noon malamang, kung bakit dito siya nakatira,  ay kung anong relasyon niya sa amin. That will be a big trouble.

Pero kahit malungkot dahil aalis na muna dito si oppa, papayag pa din ako. As if naman na may magagawa pa ako eh, di ba?

"Okay." Maikling sabi ko.

Bigla naman akong niyakap ni oppa. "Don't worry lil sis. You can go there anytime."

I hug oppa back. "Okay. I will miss you oppa." He touch my hair. "The drama queen award goes to you."

Nagtawanan kami. Sinabay na din namn si eomma sa yakap.

Nang mayamaya pa, nakaramdam kami ng isa pang yakap. "I love group hug." Sabi ni appa. Kaya ang kinalabasan, magkakayakap kami sa may daanan.

Hindi na ako sumama sa paghatid. Isa pa, I have to make a plan and great decision. Pumunta na ako sa aking kwarto sa second floor. I smile sadly. Wala ng maingay sa tapat ng kwarto ko.

Pagtapos kong magpalit ng damit, nagbukas ako ng aking social media. And as expected, trending pa din si oppa. He's really leading until now. Wow, just wow. Ganon kasikat si oppa dito sa Pinas?

I'm so proud of him as his sister. Dinalaw ko din ang timeline ko. And to my surprise, my photo on that night that has been tagged to me by the school page makes me stilled!

Bakit umabot ng hundred thousands ang likes kasama na doon reactions? Wow! How come?

Dahil pursigido talaga akong malaman ang rason, nagbasa ako ng comments. I breathe heavily.

Binabati nila ako at ang malala pa, they praises me!

Mayroon din doong picture kasama ko si Levi. And that caught my attention.

Nakangiti kaming sumasayaw habang nakatingin sa isa't isa. Kung hindi mo kami kilala, mapagkakamalan mo kaming may something na kakaiba. I was really surprised! Gosh! I really don't like stolens!

Kaya naman pala panay ang bati ng karamihan sa akin dahil para rito. Ito na rin siguro ang epekto ng pagiging inactive ko sa social media.

Lesson learned, mag open din ng account pag may time! Hahahaha.

I decided to post a selfie.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon