32

428 9 1
                                    

Chapter 32

Blink.

Nang makabawi ako sa hiya, kaagad kong hinila palabas ng lugar si bloodfear para makalayo at para na din makausap ko siya sa kung ano na namang kalokohan ang ginawa niya.

Ako ang pinahiya niya kanina! Gaaaash! I can’t believe what he did there, ang dami pa namang tao!

Kung siya walang paki sa iba, ako meron. Ano nalang ang sasabihin nina oppa, amma at appa kaoag nalaman nila ang bagay na ito?

I know madidisappoint sila. And I don't want it. Pinapag aral nila ako para sa aking ikabubuti hindi para sa kung anong walang kabuluhan.

Kaya habang maaga palang, kailangang pigilan ko na ito sa kung anong balak nitong gawin.

“Hey gf, where are we going? Oow! Gusto mo akong masolo no? Ikaw ha! Sabihin mo lang, sasama naman ako eh. Tsaka madali naman akong kausap.”

Binitawan ko kaaagad ang kamay niya. “Goodness! Dream on, bloodfear!”

He chuckled. “Palusot pa to.” Sinabi niya pabulong pero rinig na rinig ko.

Kaya naman binigyan ko siya ng warning look. “Bloodfear!”

“Okay. I surrender Madame Flat!” He said laughing. Inirapan ko lang siya.

“Bakit mo iyon ginawa?” Sabi ko sa kanya at pinagkrus ang mga kamay.

“Anong ginawa ko?" Sabi nito at nag inarte na parang walang alam.

Tinuro ko yung taekwando's quarter. “Bakit mo sinabi yon? Alam mo bang nakaka--”

“Nakakainis ako? Nakakahiya yung ginawa ko?” Sabi niya habang nakatitig sa akin. Hindi ako makaimik.

Ano bang sasabihin mo? Eh nasabi na niya.

“Dapat kasi, hindi mo na iyon ginawa. Ang daming taong nandoon. And for sure, lahat sila nakarinig.” Sabi ko at mahinang binigkas ang huling pangungusap. Yumuko ako.

"So?" Sabi nito.

“Anong so? Pag uusapan tayo. Baka maging hot taopic pa tayo kung magkataon!" Sabi ko.

"Hayaan mo sila kung ano man ang isipin nila. Let them be." Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang akong hinila nito.

“Hey, hey! Where are we going? Bloodfear!”

He just laughed and shrugged his shoulder. Nice talking, really! Tss.

Lahat ng madaanan namin ay nakatingin sa amin lalo na sa magkahawak naming mga kamay kaya yumuko nalang ako dahil sa hiya.

Alam kong marami na naman silang mga tanong at nagtataka sa kung aning nangyayari. Kasi naman eh!

Huminto lang siya sa paglalakad at paghila sa akin nang makaabot kami sa tapat ng sasakyan niya sa parking lot.

Napansin ko, bago ang sasakyan niya, dahil hindi ito yung nasakyan ko last time.

Sapilitan akong sumakay sa sasakyan niya. “Sayo ito?”

Tumango ito. “Yeah. Hop in.”

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon