38

455 10 1
                                    

Chapter 38

Blink.

"Time's up! Pass your answer sheets forward." Sabi ng Prof namin sa major subject which is the Principles of Tourism.

I sigh. At last! Finals for the first semester in my forth year of college is done! :)

All students of Lynon University are too busy these past few days dahil sa nga sa darating na finals.

Pero ngayon, it's all done!

Nang makaalis ang Prof namin, agad namang pumunta si Chelsea sa unahan at pumatong sa front desk.

"Guys, I have something to tell you!" Sabi pa nito.

Tahimik naman ang buong klase at inaabangan ang sasabihin ni Chels. Napailing ako habang nakangiti. Alam ko na ang sasabihin nito dahil kanina pa nito paulit ulit na ibinubulong sa akin ang bagay na iyon.

"Ano na namang kadrahaman yan, Chelsea?" Sabi ni Reynald sa maarteng boses. Tumayo ito at namaywang pa. "Make sure sasaya ako jan!"

Nagtawanan ang buong klase. I also laugh. I think he'll be.

"Ano ba kasi yan, Che?" Tanong nung isa kong kaklaseng lalaki.

"Guys, tapos na ang finals! Walwal time na tayo!"

After they hear it, biglang nagwala ang mga kaklase ko na naglika ng malaking ingay.

"Woooooooah!"

"Party Party!"

"Game kayo?" Tanong ni Chelsea. Sumang-ayon naman ang karamihan. Halos lahat naman ay pumayag. Parang ako lang ang hindi makakasama dahil bukod sa hindi ako nakikisaya, tahimik din lang akong nakaupo at nagmamasid sa kanila.

Last week is a blast of happiness. Karamihan ay nag-enjoy sa intrams, kasama na ako doon. Lumaban ako ng taekwando and eventually, I won the second place.

Andoon din ang mga kaibigan ko para sumuporta sa akin pati na din sina bloodfear. Akala ko nagbibiro lang siya noon sa sinabi nyang papanoorin niya ako.

Sumunod nalang din ang buong Blue Army. Nahiya nga ako dahil talagang nanood pa sila kahit wala silang hilig sa larong iyon. They have the loudest cheer kaya naman mas ginanahan akong maglaro.

Naalala ko pa ang sinabi nila sa akin bago magsimula ang laro.

'We won't let this pass, Miss Blink. Ikaw ang alaga namin!'

I smile. Pati si bloodfear kahit anong iwas ko, panay naman ang lapit niya at sinabihan pa niya ako na may reward daw ako kapag nanalo ako pero hanggang ngayon, wala naman.

But it's okay. I'm not expecting for it, either.

"Ate girl! Tumatawa ka na naman mag-isa!" Chelsea poke me. Hindi ko namalayang nasa unahan ko na pala siya.

"Eh?" Sabi ko. Nagtawanan sila. Ngumiti nalang ako since hindi ko naman alam ang sinasabi nila.

"Kung sasama ka daw?" Tanong nung kaklase ko. Umiling ako. "I don't think so."

"Wag kang KJ! Minsan nalang to sa buhay natin Muse!"

"Kaya nga! Para naman maranasan naming makasama sa party ang isang Muse kahit minsan lang!"

"Tsaka sem-break naman no! Wala tayong gagawin kundi--"

"Walwal lang!" Sabay sabay nilang sabi at sinundan iyon ng tawanan.

"You know what... Practicum na natin next sem, kaya magiging sobrang busy na tayo. Sumama ka na kasi." Daing pa nung isa.

Muse na ang tinatawag nila sa akin simula nung naging Muse ako ng Blue Army. Nakakahiya man, pero hindi ko maawat ang bibig nila. Sabi pa nila, I deserve it, anyways.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon