65

275 10 2
                                    


Chapter 65

Blink.

Nakatingin ako sa kawalan. So, nakahanap na siya? After 2 months and 15 days, pinalitan na niya ako?

Sabagay, sino ba naman ako, di ba? Kinamumuhian na nga niya ako. Ayaw na niya sa akin kaya okay lang. Tama, hindi dapat ako magmukmok.

Para saan pa yung itinuro ni oppa at Mayora kung ganito ang paiiralin ko. Hindi ako weak.

"Ate girl, bakit ka nakatulala dyan?" Tanong ni Chelsea sa akin. Nasa condo ko sila ngayon since malapit lang naman ito sa university.

"Huh?"

"Sino ba kasi ang iniisip mo?" Tanong naman ni Sia. "Si greatest fafa ex?"

"Duh? Epal ka talaga e." Sabay irap ni Chels. Natawa ako. "Ano ba kayo! Medyo nahihilo lang ako."

"Nahihilo? Saan? Sa nakita mo kanila? Duh, ate girl!"

"Hindi no."

"Baka naman sa panahon. Ang init ngayon. Malamig ang klima sa Korea, di ba?" Sabat ni Olivia. Tumango ako. Hays, ang galing mo talaga Oli. Napangiti ako.

"Anyway, anong tingin nyo sa girlfriend ni fafa ex?" Tanong ni Sia at sumubo ng chips. "I don't like her aura."

"Duh? Bakit? Gusto ka ba niya?" Sabi ni Chelsea. Nabato tuloy ito ng throwing pillow. "Gaga to!"

Nagtawanan kami. Natigil lang ng tumunog ang phone ko. Nasa center table ito kaya hindi ko agad nakuha. Isa pa, nauhanan ako ng mga babae.

"Someone's calling!" Sabi ni Sia at kinuha ito. Inagaw naman ito ni Chelsea. "Klary? Sino ito?" Tanong ni Chelsea.

"New friend mo?"

"Ah," nginitian ko sila. "Siya yung friend ko sa Hyun's Airline, she's also a practicumer."

"Oooh." Sabay sabay nilang sabi at iniabot sa akin ang phone. I gave them 'can I answer this call look.' Tumango naman ang mga ito.

"Hello Klar?"

"Friend! I miss you! Where are you?"

"Ahaha. I miss you too. I'm here et my condo. Why?"

"Okay. Wait me in a minute. Bye." At pinatayan ako nito ng tawag. Agad namang nag-usisa ang mga kaibigan ko. "Ganoon ba kayo ka-close?"

"Not really. Mas close ko pa kayo." Ngumiti ako. "Mabait pero madaldal siya."

Sumabat si Olivia. "Alam ko na kung bakit ganoon nalang ang galit sayo ni Jana."

Nawala ang ngiti ko. Isa rin si Jana. Isa sa mga taong nagkamaling hinala sa akin. Nakakalungkot isipin.

"Duh? Hayaan at kalimutan na natin ang mga taong hindi marunong ng salitamg tiwala." Sabi ni Chelsea. "Cheer up ate girl! Hindi sayo bagay ang malungkot."

"Yah, agree. Someday, marerealize nya din ang ginawa niya." She paused. "Ano bang sinabi nung Klary?"

"Ah," Umubo ako ng peke. "Pupunta daw siya rito."

"Ngayon?" Sabay sabay na tanong ng tatlo.

Bigla namang may kumatok sa pinto. Lahat kami'y napatingin roon. "I think she's already here."

Tumayo ako at nagtungo sa pinto para pagbuksan ang taong nasa labas niyon. Nang mabuksan, sinunggaban naman ako ng yakap ni Klary. "Waaaah! You're finally here! Tama talaga si brother!"

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon