11

607 13 2
                                    

Chapter 11

JAMIE.

Nagtataka ako kung bakit late si Blinkiie, isa pa, pinagtataka ko din kung ano ang nasa folder. Hmm, usisero kasi ako e. Pasensiya na.

Noong mga nakaraang araw habang wala si Blinkiie, nakaramdam ako ng pagkamiss towards her.

And there's also one thing that i'ved realized for sure. Well, this might sound so gay but argh! Okay fine. I'll tell you na.

I realize that i have a crush on her. Hindi ko alam kung crush ko lang ba talaga siya kasi feeling ko parang may gusto na din ako sa kaniya. That's normal, right?

Hays. Binata na pala talaga ako. *Grins.*

Iniwan ko sina Levi ng makita kong magkausap sina Zino at Blinkiie. Nakaramdam ako ng selos ng makitang ngumiti siya.

Ako dapat ang kausap niya e!

Lumapit ako sa pwesto nila at nagsalita. "Hi."

"Jamie!" Gulat na bulalas niya ng makita ako. Napangiti ako. Ang ganda niya talaga. Parang lalo siyang gumanda ngayon lalo na't namumula ang kanyang mga pisngi. Siguro ay dahil na din sa klima sa Korea.

"Pwedeng makiupo?" Ngumiti ako. Sana pumayag ka!

"Ahm." Sabi niya. "Sige. Doon ka nalang, tabi kayo ni Olivia." Turo niya sa upuang katapat niya.

Ayoko jan e! Gusto ko sa tabi mo!

"Pwedeng tumabi nalang sayo?"

"Brad, mga galawan mo. I'm sitting beside her, you see. Wag kang choosy." Nakangising turan ni Zino.

Argh. Badtrip!

Umupo nalang ako doon. No choice. Makakauna rin ako sayo Zino!

"Ahm, Jamie, these are my friends ang also my classmates." Turo nito sa mga katabi ko. Doon ka lang napansin ang mga ito. At ang malala pa, mga nakatulala ito.

Kumuha ako ng tissue sa table at binigay sa katabi ko. "Miss, yung laway mo."

Halos matawa ako ng bigla itong tumayo at tumakbo. She drools over me.

Oh men!

"Aguuuuy." Sabi din ni Zino at nagkatinginan kami at sabay na tumawa. Kahit sino matatawa e. Tutulo ang laway?

Goodness!  Naks. Ang gwapo ko talaga.

Isa-isang nagsialisan at nagpaalam ang mga kaibigan ni Blii pero wala naman akong pake. Si Blii lang naman talaga ang sadya ko rito.

"Bakit kaya nagsialisan na sila?" Malungkot na turan ni Blii.

"Hayaan mo na sila. Baka naiilang lang sa amin." Si Zino.

"Ang gwapo ko kasi e. Kaya umalis sila." Sabi ko at ngumiti pa ng matamis kay Blii.

"Baka natakot sa mukha mo?" Sabi ni Blii na ikinatawa ni Zino.

"Aguuuuy brad. Hindi ka pala gwapo e."

"Hindi naman talaga gwapo para sa akin si Jamie." Sabi ni Blii na ikinatigil ko. Hindi ako gwapo? Oh shit! Nasosobrahan pa naman ako sa confidence! Bakit ba kasi sinabi ni mommy na gwapo ako? Shit! Am i busted already?

"Aguuuy." Pang-aasar ni Zino.

"Hindi naman talaga siya gwapo e." Ulit ni Blii. Tama na! Masakit na!

Maya maya pa, tumingin siya sa akin ng may malaking ngiti.

"Cute kasi siya. Napakacute niya. Sa sobrang cute niya gusto kong pisilin ang cheeks niya." Natatawang sabi ni Blii.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon