30

517 13 1
                                    

Chapter 30

Blink.

Kinabukasan, maaga akong nag asikaso, ewan ko ba pero feeling ko, madaming mangyayari sa araw na ito.

Before I leave my room, tumapat muna ako sa salamin para ayusin ang aking sarili. Inayos ko na din ang bangs ko. Then, I smile.

“Ang cute mo, Blinkiie.” Puna ko sa sarili at natawa.

Kasi nga, according to what I’ve read about Psychology books, you should talk to yourself, and say some positive thoughts. And I do that when you woke up and before I go to sleep.

Nang makababa ako, ready na ang hapag kainan. I kissed eomma at appa.

“Good morning!” Bati ko sa kanila at ganoon din naman sila sa akin.

Napansin kong bakante ang upuan sa gilid ko at nakaramdam ako ng lungkot. “I miss oppa.” Bigla kong nasabi.

“Don’t worry baby, your oppa told me that you can go on his pad on weekends.” Sabi ni appa before sipping on his coffee.

Nanlaki ang mata ko. “Really?” I giggled. “Waaah. I can’t wait! I’m excited na!”

Dahil sa sinabi ni eomma, I plan popped-in in my mind. I smile. Hindi na ako mahihirapan sa pagpapaschedule sa oras ni oppa.

And this a chance para magawa ko na ang baggay na iyon nang sa gayon, hindi na ako kulitin ng isang taong pinanganak ata sa isnag butete dahil sa sobrang kulit.

Natawa nalang sa akin sina appa at eomma. We ate peacefully. After that, sabay sabay din kaming nagsialisan.

Ako, hinatid ni Mang Kanor, while eomma and appa have their own vehicle. I smile. This is our daily routine. Magkikita sa umaga at magkikita muli sa gabi.

“Andito na po tayo, Miss!” Masiglang sabi ni Mang Kanor sa akin.

I replied cheerfully then. “Thank you Mang Kanor!”

Tumawa lang ang matanda. Sabi ko sa kaniya, itetext ko nalang siya kapag magpapasundo ako dahil ayaw kong maghintay pa siya ng matagal sa parking.

When he leaved, saka lang ako nagpasyang maglakad. Pero bago pa man ako makapagpatuloy sa paglakad, nabangga ako sa isang poste! Este sa isang matigas na bagay.

“Ouch!” Daing ko. Nang mag angat ako ng tingin, nag aalalang mukha ang sumalubong sa akin. “Are you hurt?”

“Oh, Raven?” Sabi ko. Ngumiti siya. “Yea. Hi.”

“Hello.” At ngumiti ng pilit. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa aking noo na kung saan ako nauntog at tiningnan niya ito. “Sorry about this. Masakit pa ba? I’ll bring you to the clinic.”

Umiling ako. “Ano ka ba! Okay lang ako. Thank you.”

Kumamot ito sa leeg. “Sorry talaga. Hindi ko intensyon na saktan ka.”

“Haha. Okay lang talaga ako. Don’t worry.”

“Sorry talaga.”

“Ganito nalang ba tayo? Paulit ulit?”

Nagtitigan kami at maya maya pa, sabay na nagtawanan.

“Let’s go?” Sabi nalang niya. Tumango ako kaya nagsimula kaming naglakad.

Actually, hinintay daw talaga niya ako sa parking. Gusto daw kasi niya ako makausap. I wonder why.

I also ask him how did he know na doon ako makikita, sabi niya, he ask some students and they said, doon nga kaya naghintay talaga siya.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon