66

278 11 7
                                    


Chapter 66

A/N: Another update. Sisimulan ko na rin ang story ni Chester oppa. Hope you'll support it too. Thankyou. :*

****

Levi.

Malayo palang ay maririnig na kaagad ang ugong ng kaingayan at bulong bulungan sa buong campus. I wonder why. Anong ganap?

"Cous? What's the matter?" Tanong ni Hannie. Well, Hannie is with me again. Why? Because we're still working for our plan. Anong planong hindi ko alam kung gagana ba talaga.

"I don't know." I said truthfully.

Sa wakas, may tao kaming makakasalubong. Sinabihan ko si Hannie na tawagin ito at tanungin.

"Hey!"

Lumingon ito. "O-oh? Ako po ba?"

"Yes, yes you are!" Masayang turan ni Hannie. "Anyway, I just want to ask you. Ahm, why is everything in riot?"

Kumamot ito sa noo. "Kasi po, nalaman na nila kung sino ang anak ng," Lumapit pa ito at hininaan ang boses. "Mysterious shareholder ng school na ito."

"Ha?" Nanlaki ang mata ko. "Paano nila nalaman?"

"Kilala mo po ba?" Tanong nito sa akin. Tumango ako. "Oo. Ang girlfri.... este si Miss Woo, right?"

"Opo. Yung ex girlfriend mo po." Napapikit ako. Epal din tong taong ito, kailangan oa talagang ipaglandakan. "Paano nalaman?"

"Eh kasi po, mayroong nakapaskil sa bawat bulletin lalo na po sa main bulletin." Sabi nito. "Ahm, aalis na po ako."

Napahilamos ako ng mukha gamit ang kamay. Paano ito nalaman ng iba?

"Hindi kaya si Auntie ang nagpaskil? All informations from the main bulletin is really legit, and sometimes, galing pa talaga sa taas."

Agad akong nagtungo sa main bulletin. Para silang nakakita ng isang hari at naghawi sa daan kaya naman hindi na kami nakipagsiksikan pa.

"The hell! What's this?" Sabi ko. Nakapaskil doon ang litrato aat ang bawat detalye na aking nalalaman. "WHO DID THIS?" Galit kong turan. Hindi ito maaaring malaman ng iba! This is confidential!

Lahat ng naroroon ay nagsinghap at tumigil sa kaingayan. May mga napaurong din, marahil ay natakot.

Agad namang may lumapit ang guwardya. "Anong nangyayari dito?"

Tinuro ko ang bulletin. "Sinong may pakana niyan? Hindi yan maaari, alisin nyo na kaagad yan!"

"Hindi ho pwede. Kami ang mapapagalitan ng President." Katwiran nito. Nanlaki ang mata ko. "A-anong P-presi... Si m-mommy?"

"Opo."

Tumakbo ako ng mabilis. Nararamdaman kong namumula na ang aking mukha sa galit. Siya na nga mismo ang nagsabi sa akin na hindi dapat malaman ng iba!

Mayamaya, napahinto rin ako. Why? Why do I'm acting like this? I shook my head. Oh! F'cksh't.

Pero tinuloy ko pa din ang pagtakbo. Dahil despirado na akong malaman ang tungkol sa bagay na iyon, hindi na ako kumatok at agad na binuksan ang pinto.

Nagulat pa ako ng may kausap pala si mommy. At mas lalo akong nagulat ng mapagtanto kung sino iyon.

I bit my lip. "I'm s-so... s-sorry...."

Tumayo ang mga ito at nagkamayan. "Anyway, that's just my reason why I tend to come here. Thank you, President."

"No worries, Sir. You're welcome." Sabi naman ni mommy.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon