73

256 8 1
                                    


Chapter 73

Blink.

Isang linggo na rin ang lumipas pero madami pa rin ang mga taong umaaligid sa akin. Madami ang nagpapakita ng kabitihan na noo'y pangbubully ang natatanggap ko.

Kaya nga ayaw ko sanang ipakilala ko kaso wala na. Tapos na eh. Di naman ako iniform na may ganoong mangyayari. Isa din ito sa pinaka ayaw ko,

Ang "special treatment..."

Aba naman e, pare-pareho lang naman kami. Pauso kasi ni itong oppa. But despite for what happened, I'm also happy.

Dahil sa... Hindi na kami magtatago pa ng katotohanan, maaari na naming gawin ang gusto namin, makakapagbonding na kami nang maayos at higit sa lahat, wala nang mangbabash sa akin na mga fans ni oppa.

"Narinig nyo na ba ang bago at nag aalab na balita?" Tanong ni Chelsea.

Hindi kami umimik since hindi naman namin alam. Umirap ito sa hangin. "Duh? Ang KJ nyo. Pwede namang magsabi ng yes or no e."

"NO." Sagot naming tatlo. Napahawak ito sa puso. "Duh? Ano ba? Kailangan sabay sumagot?" Pumilantik ito ng kamay. "Good thing, wala akong sakit sa puso. Gosh."

"Ano kaya kung sabihin mo na? Tss. Pasuspense lang, te?" Sabi naman ni Olivia.

"Kaya nga e. Sabihin mo na kaya?" Si Sia.

"I don't know if the rumors are true but, ang family ni Charlene. Nabankrupt ang company."

"Huh?" Sabi ko. Nakita kong nagkatingin ang mga ito. "W-why?"

"Nothing, ate girl. Naalala lang namin yung kaartihan niya at pambubully sayo. Duh, Karma is real."

"Tama. Karma yun sa lahat ng nagawang masama sa lahat ng binully nila." Si Olivia.

Hindi nalang ako umimik. Ano kayang nangyari? Magkasama kaya sila ngayon ni Jana?

Kamusta na kaya si Jana?

Naiisip ko bigla. Kahit naman ganoon siya at iniwan niya kami, naging parte pa rin siya ng buhay namin. Kamusta na kaya siya?

"Ate girl, halika na, dali." Turan sa akin ni Chelsea. Hinawakan pa ako nito sa braso at hinila. Ganoon din ang ginawa ni Sia sa kabila kong braso.

"Bakit ba kayo nagmamadali? May humahabol ba sainyo?"

"Wala naman. May kamalasan lang na dapat ay hindi mo na makita." Sabi pa nito at hinila pa ako.

Nasa mall kasi kami ngayon, at magsho-shopping daw. So sumama naman ako para sulitin ang spare time ko. Pero hanggang ngayon, wala man lang kami ni isang nabibili.

Lumingon ako para hanapin kung ano o kaya naman ay sino ang tinutukoy nila.

"Wag ka nang lumingon, Blink." Si Olivia. Kinunutan ko siya ng noo at huminto sa paglakad. "Tell me. May tinatago ba kayo sa akin? Ang we-wierd nyo."

"Ahe-he-he. Grabe ka naman. Syempre wala! Tsaka you know ate girl, gusto ka lang naming iiwas sa mga taong ano..." Kumamot pa ito ng leeg. "Ano,"

"Di ba ayaw mong pagkaguluhan ka? At kapag nangyari yun, kamalasan na yun. So, tara?" Sabi ng Olivia habang tumataas taas pa ang kilay. Pero bago kami makalayo, lumingon muna ako.

At sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may nakita ako sa malayo.

Malulungkot ang mga mata nito. Gusto ko sanang lapitan para makumpirma kung siya talaga iyon. Is that really Jana?

Pag-uwi ko, nasa bahay si Oppa Timothy at Oppa ko. Ngumiti silang pareho sa akin.

"Annyeong haseyo." Bati ko sa kanila at umupo sa sofa.

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon