85

160 5 0
                                    


Chapter 85

Blink.

"A gift? For me?" Tanong ko kay Jamie nang abutan ako ng isang paper bag.

Jamie texted me earlier if we can meet kasi may mahalaga daw siyang sasabihin. I thought, it was really that serious that's why I told him to meet me at the nearest cafe na malapit sa university since we're just having photoshoot for the graduation.

"Yes." Nakangiti ito. Ginantihan ko naman ang ngiti nya pero may pagtataka. "But, why? Anong meron ngayon para bigyan mo ako ng gift?"

Umiling ito. "Actually, dapat last week pa yan. But naging busy ako nung nakaraan so ngayon ko lang maibibigay sayo."

"You're not answering my questions, Jam." Sabi ko at nagpout. Napakamot ito sa leeg. "Kasi Blink.. Ano.. Remember last time? Nung kasama mo si Jana?"

"Uh-huh.. Why?"

"I know medyo nainis ka sa akin o baka nga nagalit sa inasta ko. Ayaw kong magalit ka sa akin dahil mahalaga ka sa akin."

"You too. Mahalaga ka din sa akin. " Ngumiti ako. "You've been part of my college life."

"Salamat." Tumawa ito. "Ang ganda mo talaga."

"Teka, anong konek nito sa nangyari?" Tanong ko. Hindi pa talaga magets eh.

"Hmm, let's just say, gift ko yan sa panggugulo ko sayo."

Ako naman ang tumawa. "Hindi mo naman kailangan pang magbigay nito. Tsaka isa pa, hindi naman ako galit no."

"I know. Pero tanggapin mo na yan. Magtatampo talaga ako kapag hindi mo tinanggap yan."

"Okay. Wag ka nang tampo dyan." Nagtawanan kami. Napatingin ako sa ilalim ng mga mata nya. "Jam, natulog ka ba kagabi?"

"Ha? Bakit mo natanong?"

Tinuro ko ang mata nya. "Ang laki ng eyebags mo. Ngayon ko lang napansin."

"Ah.." Tumawa ito. "Nagkayayaan kasi kagabi ang banda. Celebration daw kasi naging successful ang appointment namin sa W's Rhythm."

"Wow." Sabi ko. "Congrats! Hindi ako nakapunta kahapon kasi may ginawa ako eh, kasama ko si appa."

"It's okay." Sabi nya.

"Teka," I paused. "What did you say earlier? Ang banda? You mean, FiveX?"

Tumango ito. "Yeah. And guess what?"

"Eeeeeh," Nagpout ako. "Sabihin mo para malaman ko if tama ang naiisip ko."

"Well, we're good terms now. Finally."

"Omoooo!" Napapalakpak ako. "Waaaaah! Chukahaeyo!"

Natatawa ito. "Ang lakas ng boses mo."

Humingi ito ng paumanhin sa mga taong nandoon. Nag-usap pa kami ng ilang oras bago maisipang umalis sa lugar na iyon.

"Thanks for the time, gorgeous." Sabi nito. Humalakhak ako at tinaas ang paper bag. "Thank you dito."

"No worries. Ingat ka pauwi." Sabi nito. Hindi ako nagpahatid since tinext ko na si Mang Kanor.

Tsaka nakamotor siya. Ayaw ko namang sumakay sa motor na nakaskirt ako. Baka pagalitan pa ako ni eomma pagnagkataon.

Pagdating ko sa bahay, ang ingay. Dali-dali akong pumasok at laking gulat ko sa nadatnan.

Bakit ang gulo?

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon