74

283 16 5
                                    

Chapter 74

A/N: Please support Chester Oppa's story. Thankyou! :*

Enjoy reading.

***

Blink.

Kanina pa ako nalilito at nahihilo sa dami ng taong sumalubong sa akin pagpasok na pagpasok ko sa university. I don't know why they need to notice me, I'm just an ordinary human too.

Ang iba, hinarang pa ako para lang magselfie. I laugh. Feeling ko tuloy, artista ako.

Kasama ko naman talaga ang mga kaibigan ko, ang kaso, nang lapitan kami ni Jamie, iniwan ako ng mga ito at sabi pa'y may pupuntahan muna sila, pero sandali lang.

Tinanong pa niya ako kung bakit andito na kami kaya sinabi kong may inaasikaso at may kukuning documents and files dahil malapit nang matapos ang OJT namin.

Tumango ito kaya ako naman ang nagtanong kung bakit hindi sila nagOJT. Ang sagot niya sa akin, last year pa daw sila. So, yun lang.

Si Jamie na rin ang umorder ng kakainin namin. And he said, he'll be careful in choosing food for me this time.

Natawa ako. I even told him that it's okay. Wala namang taong perpekto.

Masaya siyang kausap, pero wala talaga ako sa mood makipag-daldalan. Pero syempre, I need to pretend that I was a good companion. Ayokong madisappoint siya.

And then, a baritone voice shouted. "Can you please stop that?"

Alam ko at kilala ko ang boses na iyon kaya napatingin kaagad ako. Nakatingin rin siya sa akin pero nang makita si Jamie, umiwas ito ng tingin at naglakad para bumili ng pagkain.

Pasimple kong sinusundan ang kanyang mga kilos, and to my surprise, umupo pa talaga siya malapit sa table namin. What he's up to?

Hindi ko alam ang gagawin ko. Para bang natutuliro ako. Hindi ko na nga maintindihan ang sinasabi ni Jamie kaya sa tuwing tumatawa ito, nakikitawa na rin lang ako.

Aish, bakit ba ako nagkakaganito?

Nararamdaman ko talagang nakatingin sya sa akin kaya napatingin rin ako sa kanya. Para bang naging magnet ang mga mata namin. Pero naputol iyon ng dumating si Nie.

Doon lang ako natauhan. Bakit ba ako nakipagtitigan? Ang tanga ko talaga. Kaya ang ginawa ko, nagpaalam na ako kay Jamie at umalis na. Ayaw man niyang pumayag pero nagdahilan ako.

Nang makalayo, huminga ako ng malalim. All along, niloloko niya lang ako. Ang galing, di ba? Yung mga ginawa niya sa akin, pakitang tao lang pala. May girlfriend siya pero nanlaladi pa siya nang iba.

Pasalamat pa din ako dahil hindi ako pumapatol sa mga pinaggagawa niya.

Right. I'm still right.

"Bakit ka umalis?"

Napalingon naman agad ako. "Huh?"

"Bakit ka umalis doon?" Tanong muli nito. Nagkibit balikat lang ako at muling tumalikod. "Eh ano naman sayo?"

"Mali yang iniisip mo." Turan nito. Hinarap ko ulit siya. "Kung pwede lang sana, umalis ka na? Gusto kong mapag-isa."

"Gusto kong magpaliwanag."

Tumawa ako ng mapakla. "Wow. Ang galing mo naman." Pumalakkpak ako. "Nung ako ba, nung gusto kong magpaliwanag sayo, pinakinggan mo ako?"

Umiling ito. Kaya natawa ulit ako. "At sa tingin mo, papakinggan rin kita ngayon?"

"Kahit 3 minutes lang naman, gf." Sabi nito. Hahawakan sana ang kamay ko pero iniwas ko. "Ano ba? Wag mo kong matawag tawag nyan!"

"Please? Let me explain.."

MY FLAT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon