CHAPTER FOUR

17.3K 630 12
                                    

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

"Cover yourself!" asik ko sa kanya sabay hagis ng puting kumot sa kandungan niya. Sinikap kong huwag nang tapunan nang tingin iyon, subalit napasulyap ako nang marinig ko siyang tumawa nang mahina. Natatakpan na nga siya ng kumot pero halata pa rin ang paghuhumindig niya.

"Don't tell me you haven't seen one before," nakangiti niyang sabi. Namumungay nang bahagya ang asul niyang mga mata. Sini-sedyus ako ng kumag! Diyos ko, ano ba ang isasagot ko? Aaminin ko bang sa porn movies lang ako nakakita ng ano ng lalaki? Naalala ko ang kuwento nila Leigh at Ysay. Ang sabi nila hindi big deal ang virginity sa mga puti. Katunayan nga raw, parang kabawasan pa iyon sa babae dahil ang ibig daw sabihin no'n ay hindi magaling sa kama ang girl. Pero hindi ko kayang sabihin na mayroon na akong karanasan dahil sigurado akong hindi ko kayang panindigan iyon! Imbes na sagutin siya, dali-dali na lang akong bumaba. Hinanap ko sa paanan ng kama ang sapatos ko. Isang pares lang ang nandoon. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Habang natataranta ako sa paghahanap kung nasaan ang isa pa, naramdaman kong bumaba na rin siya. From the corner of my eye, I saw him picked up something.

"Here," sabi niya sabay abot ng kapares ng sapatos ko. Inagaw ko agad iyon sa kamay niya at dali-daling sinuot. Ang hayop at ni hindi man lang tinakpan ang kahubdan niya!

Tumakbo na ako sa pintuan.

"The door's here," kaswal niyang sabi. Nag-init ang mukha ko. Pinto ng banyo pala ang nabuksan ko. Ang engot ko talaga!

Siya pa ang nagbukas ng pinto para sa akin. Nang sumulyap ako sa mukha niya, he smiled. And I regretted it. Kasi dumagundong ang puso ko. Hindi ko makontrol ang bilis ng pintig nito.

"If you can wait for me, I'll drive you to your place."

"No, thank you!"

At tumakbo na ako sa pintuan palabas ng condo unit niya. May nakasalubong akong dalawang babaeng Intsik sa corridor. Napatingin sila sa akin at sa pinanggalingan ko. And I saw them looked at each other and smile. Hoy! Walang nangyari sa amin, ano? Kung makapanghusga kayo riyan! Bwisit kayo!

Mag-aalas siyete na nang umaga nang makarating kami sa amin. Laking gulat ko nang makitang kay daming tao sa harap ng bahay namin. Mayroon pang ilang sasakyan ng taga-media na nakaparada doon.

"Oy, si Zyra!" sigaw ng isa sa mga kapitbahay ko. Nagsigawan na rin ang iba pa. Nangunot ang noo ko. Bago ko pa ma-proseso ang mga pangyayari, may lumapit na sa aking reporter.

"Kayo po pala ang nag-iisang kapatid na babae ni Tarquin?" tanong nito at pinasadahan ako ng tingin. Bakit? Ano'ng nangyari sa Kuya Tarquinius ko? Nakita ko ang bahagya niyang pagdududa. Okay, oo na! Mukhang tsimay ako ni Kuya! Ang gagang ito!

"Bakit? Ano'ng nangyari sa kuya ko?"

"Zyra! 'Nak! Buti't nandito ka na!" tungayaw ng nanay ko sa loob ng bakuran namin. Kumaway-kaway pa ito sa akin. Nagsipaglingon sa direksiyon ko ang kumpol ng mga tao. Binigyan naman nila ako ng espasyo para makadaan ako't makapasok sa amin.

"Ano pong nangyayari, Ma? Ba't ang daming tao rito?" nababahala kong tanong. Siguro hihimatayin na sana ako sa kaba na baka 'kako'y may nangyari na sa kuya nang marinig kong napahalakhak ang nanay ko. Tila enjoy na enjoy siya sa kaganapan sa paligid. Hindi na niya kailangan pang sumagot dahil bigla na lang lumabas ng bahay namin ang Kuya Tarquin ko na suot-suot ang sash ng Mr. International. Iyon lang ang tanging saplot niya sa pang-itaas na bahagi ng katawan habang sa ibaba nama'y fully covered siya ng Levi's blue jeans. Nag-pose pa siya sa harap ng mga reporters at sa bawat galaw ng biceps niya'y nagtitilian ang mga babae't bading. Napailing-iling ako. Nanalo na naman pala siya sa patimpalak.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon