CHAPTER TWENTY-NINE

13.5K 524 24
                                    


Matapos ang halos tatlong buwang paghihintay ay dumating na ang inaasam-asam namin ni Lukas. Na-approved ang fiancee permit ko! Makakapunta na ako ng Norway! Wala akong pakialam kung nasa harapan man namin si Papa. Dahil ang saya-saya ko nang matanggap ang good news na iyon, basta ko na lang niyakap nang mahigpit si Lukas at pinaulanan ng halik sa mukha. Siya ang tila nailang kay Papa nang bigla ko na lang tukain ang kanyang mga labi. Napatayo tuloy ang pobre kong ama at walang sali-salita na iniwan kami sa sala. Nang kami na lang dalawa, naramdaman ko na lang na sinapo ng mokong ang aking pang-upo at hinimas-himas iyon bago pinisil-pisil. Before I know it, nakaangkla na ako sa kanya at mainit naming pinagsaluhan ang init ng halik ng kaligayahan. I was beginning to feel wet when I felt someone pinched me my behind. Saglit na napaangat ang mukha ko at tiningnan ko pa si Lukas nang nagtatanong ang mga mata.

"Hindi ka na nahiya!" mahina ngunit may panggigigil na wika ng mama ko. Nasa likuran ko na pala siya. At kinurot na naman ako sa puwet. Nahihiyang binaba ako ni Lukas sa sahig habang hindi magkamayaw sa paghingi ng paumnahin sa nanay ko. Hindi siya pinansin ni Mama.

"Ikakasal din naman kayo niyan. Huwag atat!" asik pa ni Mama sa akin sabay pandidilat. "O hayan na ang juice n'yo! Kaya naman pala kayo nilayasan ng papa mo. Naglalampungan kayo sa tanghaling tapat!"

Napakamot-kamot ng ulo si Lukas. Hiyang-hiya. Ako nama'y dedma lang. Sinimangutan ko lang si Mama saka naupo sa mahabang sofa roon. Akala ko, dahil nailapag na niya ang dalawang basong orange juice sa mesa, aalis na siya. Hindi pala. Pumagitna siya sa aming dalawa ni Lukas. Hindi tuloy kami nakapag-usap nang matino.

"Mabuti nang nakasisiguro akong walang milagrong mangyayari sa pamamahay ko. Porke ba naman nabigyan ka na ng permit na makapunta sa bansa niyan ay titihaya ka na naman sa harapan niya't magpaano riyan dito pa sa pamamahay ko?" Galit pa rin ang tono ni Mama.

"Ma, nakakaintindi iyan ng Tagalog, ano ba kayo," bulong ko sa kanya.

"Ano ngayon kung nakakaintindi ng Tagalog? Mabuti ngang alam niya nang sa ganoon ay tumino naman. Bahay ko ito, hindi motel!" Nilingon pa niya si Lukas at inirapan. Parang magtatago ako sa ilalim ng sofa sa hiya kay Lukas.

Mayamaya pa, nag-ring ang cell phone ni Lukas. Nagkaroon siya ng rason para tumayo at dumistansya sa amin.

"Alam kong huli na para pagsabihan kitang kumilos nang pino dahil naisuko mo na nga ang Bataan sa lalaking iyan, pero bigyan mo naman ng kaunting kahihiyan ang sarili mo!" anas niya sa akin. May kasama pang kurot.

"Oo na! Nakakainis o!"

Tumayo na rin sa wakas si Mama, pero may inihabilin pang silent paalala na pinaalam niya sa akin sa pamamagitan nang iba't ibang uri ng pandidilat niya. Una iyong parang tutuklawin akong pandidilat. Pangalawa, iyong may kasamang kibut-kibot ng bibig. Pangatlo, iyong pandidilat na may kasamang pagnguso. Pagkatapos no'n, dinampot niya ang tray at walang sali-salita ring iniwan kami.

"Your mom was funny in a scary kind of way," natatawang komento ni Lukas nang bumalik siya sa tabi ko. Nahagip pala ng paningin niya ang huling style ng pandidilat ni Mama. "Are all Filipina moms like that?" pabiro niyang tanong.

"Generally speaking, yeah," nangingiti ko ring sang-ayon.

"Uh-oh. Then, our kids should brace themselves. You'll probably be like her to them."

Kids? Agad-agad? Fiancee permit pa lang ang naaprubahan, hindi marriage license! Ganunpaman, kiniliti na ako sa mga sinabi niya.

**********

Looking at her being reprimanded by her mom for kissing me torridly on the lips amused me. I couldn't help myself from smiling like crazy. Yumuko na lang ako para hindi mahalata ng nanay niya na nakakatuwang nakatatakot ang reaksiyon niya nang makita kaming naghahalikan ng anak niya. I wish my mom is like her. Siguro kung nagkataon na mamma ko ang nakahuli sa amin ni Zyra sa ganoong tagpo, she would just probably look away or leave the room. This kind of reaction is something many of us, Europeans, may find a bit melodramatic or inappropriate given that the daughter in question is already an adult, but I find it refreshing. Para sa akin nagpapakita lamang iyon ng pagmamahal at pag-aalala ng isang ina sa kanyang anak na babae, isang bagay na hindi ko masyadong naramdaman sa mamma ko habang nagbibinata. Palagi na lang kasi kailangan niyang maging poised at pormal. Kung hindi nga dahil inatake si Pappa sa puso at muntik nang mamatay, hindi ko siguro siya kakitaan ng emosyon.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon