CHAPTER TWENTY-EIGHT

14.2K 605 37
                                    

You can read the complete story on BOOKLAT. Just follow this link:   https://www.booklat.com.ph/Story/Info/18100/When-I-Love

Or you may look for Gretisbored there. THANK YOU!!!

**********

Parang sobrang bilis ng pangyayari. Last week ang saya-saya ko pa dahil sa wakas nag-propose na rin sa akin si Lukas. Akala ko matatapos na lang ang trabaho niya rito sa Pilipinas nang walang linaw ang relasyon namin, kung may future ba o wala. Pero ngayo'y magco-cool off na naman kami? Teka. Cool off lang ba ang hinihingi ng anak araw na iyon o forever wala na kami? Pinanlamigan ako nang maalala ang pinagsasabi niya sa akin kagabi. Shit! Hindi ko naklaro sa kanya kung ano ang ibig niyang sabihin sa tindi ng naramdaman kong emosyon. Baka permanenteng hiwalayan ang hiningi niya sa akin! Kailangan kong magdasal kay Mother of Perpetual Help! Diyos ko!

Dali-dali akong nagbihis para makapuntang simbahan. Paglabas ko ng kuwarto nagsalubong agad ang mga kilay ko. Alas otso pa lang nang umaga pero nasa amin na si Jose? Manliligaw pa rin ba ito kahit na nakita na niyang nag-propose sa akin si Lukas? Ang lakas talaga ng fighting spirit ng kumag! Lalo niyang pinapainit ang ulo ko. Susugurin ko na sana siya kahit nandoon ang Kuya Joaquin ko nang marinig ko ang sinabi ni Kuya.

"Salamat talaga, pare. Kung hindi dahil sa iyo malamang hindi kikilos ang gunggong na iyon."

Bigla akong napahinto sa paghakbang patungo sa living room namin kung saan sila naroon. Bakit nagpapa-tenk you si Kuya? Ano'ng nagawa ng bwisit na Jose na ito?

"Okay lang iyon. Nag-enjoy naman ako sa pang-aasar sa utol mo, e," tumatawang sagot ni Jose.

Napatakip ako ng bunganga nang mapagtanto kung ano ang pinag-uusapan nila. Kung ganoon inutusan lang pala ni Kuya Joaquin si Jose na ligawan ako para mag-propose nang wala sa oras si Lukas? Biglang kumulo ang dugo ko. Nilapitan ko sila.

"Ano'ng ibig n'yong sabihing dalawa?" galit kong sita sa kanila.

Nagulat sila pareho.

"Kanina ka pa ba riyan?" asik ng kapatid ko sa akin. Si Jose nama'y napakamot-kamot sa ulo. Tila biglang nahiya na hindi maintindihan.

"Oo! Kanina pa kung kaya narinig ko ang usapan n'yong dalawa!"

"Ah, sige pare, sa kotse na lang ako maghihintay sa iyo," paalam ni Jose.

"Hoy, lalaki, hindi pa tayo tapos! Huwag mo akong layasan!" sigaw ko kay Jose.

No'n dumating si Mama. Sinita kaming tatlo. Ano raw ang nangyari at bakit nagsisigawan kaming magkapatid.

"Itong bunso n'yo wala nang galang sa nakatatanda sa kanya porke makakapag-asawa na ng foreigner!"

"Zyra, totoo ba iyan?"

"Paanong hindi ako magagalit, Mama? Itong hudas n'yong anak kinakutsaba itong si Jose na ligawan ako para magselos si Lukas at nang sa gano'n ay mag-propose na siya sa akin!"

Namaywang si Mama at sa akin na siya humarap.

"Ano'ng masama roon? Hindi ba't nag-propose na nga ang nobyo mo sa iyo? Dapat nga magpasalamat ka pa sa kuya mo."

Umaliwalas ang mukha ni Kuya Joaquin. Napangiti ito from ear to ear.

"Ma! Pati ba naman kayo?!"

Tinapunan ko nang matalim na titig ang dalawa lalo na si Jose dahil tatawa-tawa na ang kumag ngayon dahil nakakita ng kakampi. Napakuyom tuloy ng mga palad ko.

"Tama na ang pag-iinarte mo riyan. Akala mo naman inapi ka nang sobra. Nakakainis na bata 'to. Sobrang OA!"

Hindi na ako sumagot. Padabog na lang akong lumabas ng bahay. Bago ako tuluyang makalayo sa amin, hinabol ako ng pang-aasar ni Kuya Joaquin.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon