Kaunti na lang at makakalbo na ang ulo ko sa kaaaral ng Norwegian language. Diyos ko, hirap na hirap na ako. Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko? Nang susuko na sana ako sa hirap ng pronunciation, bigla naman akong nabuhayan ng loob sa naging reaksiyon ni Lukas nang sabihin ko sa kanya ang mga katagang, "Jeg elsker deg!" (I love you!) Napaawang ang mga labi niya sa kabiglaanan at napahagikhik pa na parang teenager na kinikiliti. He then kissed me passionately and hugged me tightly.
Minsang pumunta kami ng Tagaytay sa paborito kong retaurant doon, nagkaligaw-ligaw kami. Mali kasi ang binigay na impormasyon ng GPS. He was very frustrated with it and with the other drivers na kulang na lang ay ipitin kami sa gilid ng kalsada. Ilang beses ko siyang naringgan ng, "Faen! (Fvck)" Pero nang hawakan ko ang isa niyang kamay at sabihing, "Du betyr så mye for meg" (You mean so much to me) bigla siyang tumawa at ginulu-gulo ang buhok ko. Hindi na uminit pa ang ulo niya nang araw na iyon. I even caught him smiling a lot for no reason. Kaya kahit na naiimbyerna na ako sa kaartehan ng Norwegian teacher ko, gogogo lang ako sa pag-aaral.
Gaya ngayon, parang pagtataasan sana ako ni Lukas ng boses dahil nakalimutan ko siyang gisingin sa afternoon nap niya para makipagkita sa mga kuya ko for, you know, bonding with the future in-laws. Pero nang sabihan kong, "Ord kan ikke beskrive min kjærlighet til deg" (Words can not describe my love to you) humalakhak ang damuho. Hinila niya ako at pinupog ng halik sa pisngi.
Tuwang-tuwa kong kinuwento ang mga iyon kay Leigh. Ilang beses ko na kasi siyang hinihikayat na sabay kaming mag-aral ng Norwegian. Ewan ko ba sa babaeng ito, ang tamad-tamad. Hindi raw niya kailangan. Alam kong magaling mag-English si Nikolai pero siyempre iba rin iyong alam niya ang lenggwahe ng mapapangasawa niya. Ang sabi kasi ni Lukas, mahirap maghanap gn trabaho sa kanila kung hindi marunong ng Norwegian ang isang dayuhan. Ang iba kasi sa kanila'y ayaw talagang mag-Ingles sa mga banyaga lalo pa kung alam nilang doon ka na nakatira at asawa pa ng isang kalahi nila.
"Oy, ano ba?" untag ko sa kanya. "Kanina ka pa absent-minded."
"Sorry. Ang dami ko lang iniisip," malungkot na sabi ni Leigh sabay tayo.
"O, saan ka pupunta? Hindi mo ba uubusin iyang sopas mo?"
"Hindi na. Ang dami ko pang gagawin, e."
Iyon lang at dali-dali nang lumabas ng cafeteria si Leigh. Nanghinayang naman ako sa halos hindi pa niya nagalaw na sopas. Nilantakan ko na rin. Busog na busog ako nang bumaba sa working area namin. Siya kaagad ang una kong hinanap. Wala siya sa desk niya. Wala rin siya sa upisina ni Evil Twin. Nang tinanong ko ang sekretarya ni Boss Dave kung naligaw si Leigh sa kanila, wala rin daw. Nakakapagtaka. Pinapag-isip talaga ako ni Leigh this past few weeks. May kakaiba sa mga kinikilos niya, e.
Pumasok ako sa CR nang may marinig akong umiiyak. Inakala kong siya iyon. Nagulat ako nang makita roon ang isa sa mga ka-tropa ni Mina. Napataas ang kilay ko nang malaman ang dahilan. Mukhang na-denggoy ng bino-boypren. Karma. Kung makapanlait kasi sa aming tatlo noon, akala mo naman kung sinong mga santa. Pumatol din pala sa Norwegian. Ang kaso nga lang may asawa pala ang pumorma sa kanya. Too bad.
Sumilip din ako sa dining area na nakalaan para sa mga staff. Wala nang tao roon. Tapos na kasi ang merienda time sa hapon. Babalik na lang sana ako sa desk ko nang may marinig na mahihinang pagsinok. Ginalugad ko ang lahat ng sulok. At nakita ko si Leigh sa likod ng isang cabinet, iyong pinaglalagyan namin ng mga kubyertos.
"Leigh? Ano'ng nangyari sa iyo? Are you okay?" nababahala kong tanong.
Bigla niyang pinahiran ang mga luha. Tumayo rin siya agad.
"Pinahahanap ba ako ni Architect Ramirez?"
"Hindi." Kinabahan ako. May isyu ba sa kanila ni Evil Twin?
BINABASA MO ANG
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)
RomanceNORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, min...