CHAPTER TWENTY-SEVEN

13.1K 536 42
                                    


Nang naglakas-loob nang lumapit sa akin si Lukas, napatingin ako sa mga kapatid ko at kay Jose. Nakakunot ang noo ni Kuya Marvin at Kuya Joaquin habang nakatingin kay Lukas. Si Kuya Tarquin nama'y parang natatawa na hindi mawari. Nang makita niyang nakatitig ako sa kanya, he mouthed "baduy" at tumalikod. Si Jose nama'y napangisi sabay sabi ng, "Hanep! Dinaig ang paandar ko!" Nangunot ang noo ko sa hudas. Hindi iyon ang inaasahan kong sabihin niya. Pero bago ko pa pag-aksayahan ng panahon ang reaksiyon ng apat na kulugo, heto na si Lukas o mas tama yatang sabihing si Andres Bonifacio na kulay mais ang buhok, nakaluhod na siya sa harapan ko at naka-bukas na rin ang hawak-hawak niyang munting kahon na naglalaman ng pinakamagandang diamond ring na nakita ko sa buong buhay ko.

"Will you marry me?"

Umugong ang hiyawan sa paligid. The crowd was chanting "yes, yes, yes". Napahawak naman ako sa dibdib sa tindi ng kabang nadarama. Parang bigla akong nabingi sa ingay ng mga bubuyog. At tila nagdilim ang paningin ko nang ilang segundo. Wala akong makita! Nang lumiwanag ang paligid, nakita ko ang matinding disappointment ng mga taong nakamasid sa amin. Nagsialisan na ang iba. May narinig pa akong nagsabi sa kanila ng, "It's so painful to watch. Let's go!"

Pagtingin ko kay Lukas, dahan-dahan na niyang isinasara ang kahon ng singsing at napayuko siyang parang pinagbagsakan ng langit at lupa. No'n lang tumimo sa isipan ko na heto na't inaalok na ako ng kasal ng lalaking pinakamamahal ko. It was not a dream. I was not hallucinating. Bigla akong natauhan. Napasigaw na lang ako ng "Yes! Yes, I will marry you!"

Napamulagat si Lukas. Umugong naman ang sigawan ng mga natitirang miron na pumapaikot sa amin. Dumagundong uli ang tambol at drums.

Pagkasuot ng singsing sa kamay ko, tumayo na si Lukas at niyakap ako nang mahigpit na mahigpit. Ganoon din ang ginawa ko.

"Thank you, baby! Thank you so much! Tusen takk! Salamat!"

"Kiss! Kiss!" sigaw naman ng mga pakialamerong miron.

Saglit akong binitawan ni Lukas. Lumingon siya sa mga tao pagkatapos ay tumingin uli sa akin.

"They're asking for a kiss," nakangisi niyang sabi.

Bago pa ako makasagot, bumaba na ang mukha niya't sinelyuhan ng halik ang nangangatal kong labi. Nanlambot ang tuhod ko. Napahagikhik siyang parang school boy habang inalalayan niya ako sa pagtayo nang matuwid.

"Ang baduy mo!" bulong ko sa kanya habang nakatawa na.

"Was it really that tacky?" nangingiti niyang tanong. Napalingon siya sa kanyang entourage na ngayo'y busy na sa kaka-selfie with a group of amused shoppers.

Hindi na ako sumagot. Hinila-hila ko na lang ang kulay pula niyang scarf na nakatali sa leeg niya. Napailing-iling ako habang ini-inspeksiyon ko ang get up niya. Puting t-shirt at nakarolyong kulay asul na pantalong yari sa seda.

"You look like a cross between Andres Bonifacio and Juan dela Cruz. Who are you trying to represent?" tanong ko.

"Rally? I thought this is how Jose Rizal looked like?" nalilito niyang sagot.

Napahagalpak ako ng tawa.

"Says who? That woman?" Tinuro ko ang magandang babaeng gumagabay sa kanya kanina.

Ngumiti siya. "Just kidding."

Inakbayan niya ako at hinagkan sa noo. Pagtingin ko sa gilid namin, mga nakangiti at curious shoppers na lang ang nakita ko. Wala na ang mga kuya ko't si Jose. Sinubukan kong tawagan si Kuya Tarquin. Hindi niya ako sinagot. Tinawagan ko rin sina Kuya Marvin at Kuya Joaquin. Cannot be reached naman ang mga ungas.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon