CHAPTER FIVE

16.4K 648 16
                                    

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

Kapwa napatingin sina Ysay at Leigh nang halos padabog akong bumalik sa working area namin. Inakala nilang dalawa na nasabon ako ni Evil Twin dahil sa inggit. Iling lang ang sagot ko sa kanila. From the corner of my eye, I saw them exchanged looks. Pero hindi ko na iyon pinansin pa. Abala ako sa nararamdaman nang mga sandaling iyon. Kulang ang sabihing nagdurugo ang puso ko. Talagang daig ko pa'ng sinaksak nang ilang beses sa dibdib. Napakasakit talaga. Isipin mong asang-asa ako na ako lang ang nilalandi ni Lukas tapos nalaman ko na lang na naunahan pa pala ako ng haliparot na Minang iyon!

"Hey. Ano ba'ng nangyayari?" tanong ni Ysay sa mahinang tinig. Tinapik pa ako nang bahagya sa balikat.

"Wala. Ano ka ba? Pagod lang ako. Ang dami kasing inutos ng mga bosing natin."

Tinginan uli sila ni Leigh.

"Kanina ko pa napapansin ang mga tinginang iyan, ha?" sabi ko sa kanila habang tumitipa sa keyboard ng sarili kong computer.

"Nakakapanibago ka lang kasi. Dati-rati naman ay masiglang-masigla ka kung nandito ang mga Norwegians. Ngayon, daig mo pa ang Biyernes Santo. Ang lungkot-lungkot ng aura mo," sabat naman ni Leigh.

"Pagod nga ako. Napakamapangduda n'yong dalawa," naiirita kong sabi sa kanila sabay tayo.

Nang dumaan si Meg at magparinig na may ipapa-receive daw sanang memo sa HR department, nagboluntaryo agad akong ako na ang gumawa no'n. Gusto ko lang munang lumayo sa mapanuring tingin ng dalawa kong kaibigan. Hindi pa ako handa magpaliwanag sa nararamdaman ko. Nakita kong medyo nagulat si Meg. Dati-rati kasi'y dinidedma ko ang mga pakikisuyo niya. Ang rason ko kasi noon, pareho naman kaming staff o alalay bakit makikiutos pa siya sa amin tulad ng bosing niyang demonyita. Nang nasa pasilyo na ako malapit sa HR, pinagsisihan ko kung bakit ko inagaw kay Meg ang dapat sana'y trabaho niya. Paano kasi'y nakasalubong ko ang isa pang kampon ni Lucifer. At nakangisi siya sa akin na tila nagbubunyi. Inirapan ko siya. Gusto ko siyang kalbuhin pero nagpigil ako. Hindi ko pinahalata na narinig ko sila kanina ng kasama niya sa CR. Tingin ko no reaction is more irritating than a violent reaction. Akala nila magagalit niya ako nang ganun-gano'n lang? Kahit totoo, hinding-hindi ko siya bibigyan ng ganoong satisfaction!

Pagbalik ko sa lungga namin, napansin kong tila kilig na kilig ang dalawa kong kaibigan. Pinasigla ko ang boses. Tinanong ko sila kung ano'ng nangyari.

"Dumaan si Nikolai at nagbigay ng something kay Leigh," nakangiting paliwanag ni Ysay.

"Nag-abot din ng sobre si Engineer Knudsen kay Ysay," sabi naman ni Leigh.

"O, tapos?" I was expecting them to say na dumaan din si Lukas at hinanap ako para bigyan din ng kung anu-ano, pero wala na silang dinugtong pa roon. Nadagdagan ang bigat sa dibdib ko. At lalo akong nalungkot nang malaman ko na lang kay Meg na tapos na pala ang meeting at nakauwi na ang mga panauhing engineers nang hindi man lang nagpaalam si Lukas. Totoo nga marahil na nahumaling na ito kay Mina.

"Oo nga pala, since hindi tayo natuloy na mag-night out noong isang araw, why not ngayon natin gawin? May alam akong kabubukas lang na bar a few minutes away from here. Masarap daw ang food doon at maganda ang music," sabi ko kina Ysay at Leigh nang uwian na.

"Sorry, ha? Kasi---nag-promise ako sa amin na uuwi nang maaga," tanggi ni Leigh.

Tumingin ako kay Ysay. Iniwas niya ang mga mata at dinahilan ang tutee niyang Korean. Alam ko namang gaya ni Leigh ay pa-epek lang iyon. May kutob akong magkikita rin sila ni Engineer Knudsen. Lalo akong naawa sa sarili. Pinasigla ko na lang ang boses at nagpaalam sa kanila.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon