CHAPTER SIX

18.2K 577 21
                                    

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

Napansin siguro ni Lukas na biglang sumama ang timpla ko kung kaya hinuli niya ang kamay ko at masuyong pinisil. Inagaw ko pa sana sa kanya iyon, pero hindi niya binitawan.

"I thought you guys had a meeting with Engineer Knudsen," pa-sweet na sabi ni Mina kina Nikolai at Lukas. Lumapit na si Nikolai sa amin at nagpaliwanag.

"Really?" malambing pa ring sagot ni Mina, pero looking at her eyes nabatid kong hindi niya pinaniwalaan ang sinabi ni Nikolai na maagang natapos ang meeting kung kaya nakadaan sila sa bar na iyon. "Then why don't we all go back inside?" yaya pa nito, kay Lukas na nakatingin. Naramdaman ko na lang na marahan akong hinila ni Lukas at masuyong inakbayan. Naisip ko agad, kung mayroon itong tinatago sa akin about Mina and him dapat sanang hindi siya umaakto na parang boyfriend ko. Aha! No'n ko napagtanto na alam siguro ng tonta na nasa CR ako ng araw na iyon kaya sadyang pinarinig sa akin ang usapan nila ng maharot din niyang kaibigang si Yolly para pasakitan ako't lumayo na nang kusa kay Lukas. Tama! Well, sorry na lang siya dahil hindi ko gagawin iyon. Ngayon pa na napag-alaman kong wala naman pala akong dapat ipangamba sa kanya.

"I'm sorry. We're done for the night," deretsahang sagot ni Lukas. Masuyo niya akong binalingan at niyaya nang umalis. Nakita kong napangiti si Kuya Tarquin sa isang tabi. Nahulaan na niya siguro kung sino ang asungot na bigla na lang sumulpot. Naikuwento ko na rin ito sa kanya kasi nang ilang beses na.

"Okay, shall we go now?" sabi ni Kuya sa aming tatlo. No'n lang siya napansin ni Mina. Saglit na napasulyap ang higad sa akin at tumingin ulit kay Kuya. I saw the look of admiration in her eyes and I rolled my eyes. Pambihira talaga ang babaeng ito. Kapag may nakikitang guwapo lumuluwa talaga ang mga mata!

Tatalikod na sana kaming apat nang biglang umentra na naman ang bruha. "Sandali!" sabi nito. Nakatingin na siya ngayon kay Kuya Tarquin. "Pinoy ka ba? O Brapanese?"

Natigilan si Kuya. Nang makabawi ito'y natawa lang. "Pinoy. Sige."

Hindi tumigil si Mina. Naglalakad na kami'y bumuntot pa.

"Ni hindi ka man lang pinakilala sa akin nitong friend kong si Zyra," sweet na namang sabi ni Mina at sumulyap pa sa akin. "Zyra, ikaw, ha? May kaibigan ka palang pogi ni hindi ka man lang nagsasabi." Tumingin na naman ito kay Kuya at sa malamabing na boses ay nagpakilala ng sarili. Maayos naman siyang pinakiharapan ng kapatid ko. Natigil lang ang bruha nang sinigawan siya nina Yolly dahil naiinip na raw ang grupong pumasok ng bar.

"Bye Tarquin! And see you around!" paalam niya at tumakbo na sa mga kagrupo.

Nang wala na siya, napabunghalit ng tawa sina Nikolai at Lukas. Sinabihan ang kapatid ko na mukhang sa kanya na nahumaling ang babae. Naikuwento tuloy nila ang ginawa nitong paghahabol sa kanila nang gabing iyon din. Nakitawa na rin sa kanila si Kuya at nagsabing hindi na raw siya nagulat dahil naikuwento ko na sa kanya si Mina. Pinandilatan ko siya na huwag masyadong feeling close sa mga Norwegians naming kasama. Baka kung ano pa ang ma-reveal niya sa dalawa. Lagot ako.

Dahil mukhang nakapalagayang loob na rin ni Kuya si Nikolai, pinakilala ko na rin silang dalawa. Nagmagandang loob pa sina Nikolai at Lukas na ihatid kami sa amin, pero ako na ang tumanggi. Hindi naman sila namilit pa. Ang sabi ni Lukas kampante siyang hayaan akong umuwi nang hindi siya kasama dahil nandiyan naman daw ang kuya ko.

"Whew! Mukhang nakasilo ng golden boy ang bunso namin, a!" kantiyaw ni Kuya Tarquin nang kaming dalawa na lang. Tawa ito nang tawa.

"What's funny? Hindi ba kapani-paniwala? Wala ba sa hitsura kong may masisilo akong ganoon ka guwapo?" naiinis kong sagot.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon