CHAPTER TWENTY-ONE

12.6K 488 27
                                    

Nakita ko agad sa kumpol ng mga pumipila sa canteen si Leigh. Namumukud-tangi ito dahil siya lang ang tahimik at walang kasama. Kinawayan ko siya sabay tawag sa pangalan niya. Hindi siya agad tumingala mula sa pagbubutingting ng cell phone. Kailangan ko pang tumili para mapansin niya. Pinandilatan niya ako at inginuso ang mga malditang taga-HR na nagsipagtaasan ng kilay sa amin.

"Hindi ba iyan ang may mga jowang AFAM?" narinig kong tanong ng isa sa kasama niya. Ngumisi ang huli at may ibinulong sa nagsalita. Nagtawanan sila pagkatapos. Tinaasan ko rin sila ng kilay. Hinatak ako ni Leigh palayo sa kanila bago ko pa sila masabunutan.

"Eskandalosa ka kasi. Iyan ang napapala mo minsan," sabi pa ni Leigh.

"Lokaret! Hindi lang kaya ako ang pinaringgan ng mga iyon. Ako lang ba ang may boyfriend na Norwegian sa atin?"

Hindi na sumagot si Leigh. Napansin kong parang may bahid na ng lungkot ang kanyang mukha. Inakbayan ko siya.

"Ano ba. Babalikan ka no'n. Sigurado iyan."

Ngumiti siya sa akin. "Alam ko," tipid niyang sagot. "'Lika ililibre kita ng arroz caldo. Iyan na lang ang kainin natin ngayong lunch. Ang tataba na natin, e."

Napatingin ako sa balakang niya. Oo nga naman. Mukhang lumalapad na siya. Humahabol yata sa chubbiness ko.

"Saglit lang. Ba't ka nanglilibre? Dumating na ang petition mo, ano? Approved na ang petition ni Nikolai para sa iyo?" excited kong tanong at kiniliti siya.

"Loka-loka, tumigil ka!" nakatawa niyang sabi sabay salag sa mga kamay ko.

"Naks! Pupunta ka na ng Norway!"

Nakaramdam ako ng paninibugho. Buti pa si Leigh at may linaw na ang kinabukasan nila ni Nikolai. Nag-alala tuloy ako kay Lukas. Ang sabi niya kasi sa akin ilang araw lang siya sa kanila, pero magsi-six weeks na siya roon. Hindi pa malinaw kung kailan ang balik niya.

"Ba't parang masyadong garlicky itong arroz caldo ni Manang ngayon? Napansin mo rin ba?"

Sininghot-singhot ko ang kinutsara kong sabaw. Wala naman akong napapansing sobra sa nakasanayan namin.

"Talagang ganyan ang arroz caldo. Amoy bawang."

Tinulak ni Leigh ang bowl niya. Ang baho raw. Kung gusto ko akin na lang daw.

"Pambihira! Hayan ka na naman. Kaya ako tumataba sa iyo, e."

Hindi na nakasagot si Leigh dahil dumating si Meg at sinabihan siyang pinapapunta siya ni Boss Dave sa upisina nito. Naiwan akong nakipagplastikan sa kanang-kamay ni Evil Twin. Okay na rin kahit paano dahil may pinasahan ako ng inayawang arroz caldo ni Leigh.

**********

Dad hit the roof when I told them straight I couldn't marry Hilde because I love someone else. Tinakasan naman ng kulay ang mama ko. Hindi niya raw sukat-akalain na kaya ko silang ipahiya nang ganoon sa pamilya ni Hilde.

"You should have considered that woman before making your ex-girlfriend pregnant!" galit na bulyaw sa akin ni Pappa. Dinuru-duro pa ako.

Umiyak naman sa isang tabi si Hilde habang nagpatuloy ang pagtatalo namin ni Pappa. Umentra na ang mga magulang ng ex ko. Tinawag nila ako ng kung anu-ano. Siguro hindi nakayanan iyon ni Hilde. Tumakbo siya palabas ng bahay. Hinabol siya ng mga magulang. Nagkagulo na sa living room namin. Ang mayor na magkakasal sa amin ay medyo naasiwa na. Ang kanina'y masayang tagpo ay napalitan na ng tensyon.

I picked my things and stormed out of the house. Pappa threatened to cut me off my inheritance. Ganunpaman, hindi na ako lumingon pa sa bahay namin. Tinawagan ko agad si Nikolai at nakiusap ako sa kanya kung puwedeng doon muna ako sa kanila habang pinag-iisipan ko ang dapat kong gawin.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon