Nagbabanlaw na ako ng katawan nang mapansing may kulay pink na umaagos sa aking paanan. Nang tingnan ko ang mga paa wala naman silang sugat. Kaagad akong bumukaka at tinusok ang parteng iyon. May mamula-mulang likidong sumama sa hintuturo ko. Kasabay ng realisasyon kung ano iyon napatili ako sa galak.
"Zyra? Ano'ng nangyari?" ngarag ang boses ni Mama habang binubugbog ang pintuan ng banyo. Ninerbiyos siya.
"Wala po!" sagot ko naman agad at tumawa pa.
"Siraulo kang bata ka! Aatakehin ako sa pusong bwisit ka! Dalian mo riyan at natatae ako!"
Pasipol-sipol na ako nang lumabas ng banyo. Sobra akong relieved na hindi maintindihan. Ganunpaman, may isang bahagi ng puso ko na medyo nanamlay. Ibig sabihin kasi, hindi ko pinagbubuntis ang panganay namin ni Lukas. Sayang! May tisoy o tisay na sana ako.
Pagdating ko ng upisina, napansin ko agad ang pananamlay ni Leigh. Pinilit kong huwag masyadong magdiwang sa pagkakaresolba ng problema ko. Kailangan kong damayan ang best friend ko na nang mga oras na iyon ay parang pasan ang daigdig.
"Ano'ng nangyari? Sino'ng namatay?" pabiro ko pang tanong sa kanya.
Sinimangutan niya ako't inirapan, pero hindi sinagot. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa. Hindi na kami nakapag-usap dahil pinatawag na siya ng bruha naming architect. Palagay ko itong si Evil Twin ay lagi na lang mayroon. Walang araw na hindi mainit ang ulo, e. Tsk, tsk.
"Paalis na raw pala si Engineer Bjornsen," kaswal na sabi sa akin ni Meg nang dumaan sa working area namin. Kaagad kong tiningnan ang kalendaryo na nakasabit sa dingding sa likuran ko. Shit! Oo nga! Dalawang linggo na lang. Kaya pala ang lungkot ni Leigh.
"Sori," sabi ko agad sa kanya nang bumalik siya sa area namin. Napamaang siya. Pinaliwanag ko. Hiningi ko uli ng paumanhin ang hindi pag-aalala sa nalalapit na pag-alis ni Nikolai. Paano kasi naging abala rin ako sa sarili kong problema.
Tumangu-tango lang si Leigh. Hindi na nang-usisa kung ano ang pinroblema ko ng mga nakaraang araw. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Kung ako rin sa lugar niya talagang malulungkot ako. Hindi ko rin siguro makakayang umalis na sa Pilipinas si Lukas. Kahit ganoon iyon, aminado akong baliw na baliw pa rin ako sa kanya. Iniisip ko na lang na mahal niya ako para hindi ako mawindang sa kaiisip tungkol sa kanila ni Hilde. Kung hindi siya ang ama ng pinagbubuntis no'n, e di hindi siya ang ama. Napapagod na rin ako sa kaiipon ng galit at duda sa kanya. Pare-pareho lang naman ang ending. Hindi ko rin naman siya matitiis.
Busy na ako sa kaka-sort out ng ipa-file na mga papeles sa bidding nang mapadaan ang isa sa mga kaibigan ni Mina. Sinulyapan niya ako't inisnab nang magtama ang mga paningin namin. Mayamaya nang kaunti ay tumingin uli sa akin at ngumiti na parang may alam na hindi ko alam. Bumulong pa ito sa kasabayan at napalingon sila pareho sa akin tapos nagtawanan.
"Ano iyon?" takang tanong ni Leigh. Nakita rin pala niya ang ginawa ng mga inggitera.
"I have no idea!" kunwari'y walang pakialam kong sagot. I pretended to be cool with it but in my head I was already stabbing the two bitches with a butcher knife. Wala na nga si Mina sa upisina pero may pumalit na equally bitchy. Ampapanget n'yo!
"Maiba tayo," may ngiti na sa labi ni Leigh nang hinarap ako. "Nakita kong kausap ng Kuya Tarquin mo sa Rustan's si Mina. Magkakilala na pala sila?"
Si Mina at Kuya Tarquin? No way!
"Baka nag-feeling magkakilala lang ang Minang iyon. Hindi siya kakilala ni Kuya, ano?!"
"Tange. Hindi ba't nagkita na sila noon sa labas ng Freddie's minsan?"
BINABASA MO ANG
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)
RomanceNORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, min...