First trip ko outside Oslo kaya halos hindi ako mapakali. Natatawa sa akin si Lukas.
"Remember, babe, we may not have time to go around Alesund. My job is just to introduce you to our people in the shipyard since I may be working there anytime soon. I want them to know there's a new Borsett in a few months to come."
Nasamid ako sa sarili kong laway. My gosh! Heto na. Ikakasal na nga kami. Magiging Mrs. Lukas Borsett na nga ako!
Nilingon niya ako habang nagsusuklay ako ng buhok.
"The pilot just called me up. Are you all set to go? He's already at the airport."
My God! Totoo ngang may sarili silang eroplano! Diyos ko, Lord! Hindi ko naman hiningi ito. Hindi ko talaga sukat-akalain na ganito sila kayaman---na ganito ang lalaking ibibigay mo sa akin! Sulit ang ilang century kong paghihintay!
Dali-dali kong dinampot sa ibabaw ng kama ang itim kong jacket at sumama na sa kanya sa pagbaba ng bahay. Nasa sala na ang kanyang mga magulang nang dumating kami roon. Masinsinan silang nag-uusap na mag-asawa. Mayroon silang kasama roon na isa ring puti. Naka-suit ang matandang lalaki at mukhang kagalang-galang din. Nang makita niya kami bumati siya kay Lukas sabay tayo. Pinakilala ako ni Lukas sa kanya. Siya pala si Mr. Christensen, ang pansamantalang namamahala sa shipyard habang hindi pa pwedeng bumalik ng trabaho ang ama ni Lukas. Sasama rin pala siya sa amin sa Alesund.
Nagpaalam lang kami sa mga magulang ni Lukas at lumabas din agad ng bahay kung saan may naghihintay nang Mercedes limousine na pinagmamaneho ng company chauffeur nila. Gaya ng mga amo niya, naka-suit rin siya. Naisip ko tuloy, dapat palang nag-long dress ako. Pakiramdam ko tuloy tsimiaa na bumubuntot sa amo niya sa suot-suot kong black slacks and white sweater na nabili ko lang sa dibisorya. Jacket ko lang ang Gucci, regalo sa akin ni Lukas. Ano ba yan!
Nang nasa loob na kami ng limousine, pinagitnaan namin ni Mr. Christensen si Lukas. Saglit lang akong kinausap ng matanda---nagtanong kung anu-ano nang lugar sa Norway ang narating ko bago nito binalingan si Lukas. Pakiramdam ko hindi naman siya interesado sa sagot ko dahil hindi pa nga ako tapos magsalita, kinausap na niya ang nobyo ko at nag-switch na sila sa kanilang lenggwahe. Kakaunti lang ang naiintindihan ko sa pinag-uusapan nila. But I didn't like what I understood.
Na-sense siguro ni Lukas ang reaksiyon ko dahil bigla na lang niyang ginagap ang isa kong kamay at pinisil-pisil ito. May itinuro siya sa labas ng bintana. Iyon daw ang daanan papunta sa isa sa pinaka-popular na ski resort sa Oslo. Tumangu-tango lang ako. Hindi naman ako nag-ii-ski kung kaya hindi ako interesado ro'n. Ang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ay ang sinasabi ni Mr. Christensen na nakakita na raw siya ng bahay para sa aming dalawa ni Lukas sa Alesund, malapit sa kinaroroonan ng shipyard. Tiyak magugustuhan daw namin iyon.
Ayaw kong tumira sa Alesund! Nangako ang mokong na maghahanap kami ng mabibiling bahay sa village nila Ysay. Gusto ko silang maging kapitbahay.
"Tingnan lang natin mamaya ang bahay. Kung ayaw mo, e di hanap tayo ng iba," bulong niya sa akin in straight Tagalog. Inamoy-amoy pa niya ang buhok ko.
"Huwag mo akong alalahanin. Mas importante ang mapalapit ka sa panibago mong trabaho sa negosyo ng pamilya n'yo. Marunong naman akong mag-adjust, e," sagot ko naman sabay hilig sa balikat niya. Pagkasabi ko n'yon parang gusto kong kutusan agad ang sarili. Ang plastik mo! Pero sulit ang pagpapanggap. Lumawak kasi ang ngiti ni Lukas at binigyan ako ng matunog na halik sa pisngi.
"Tusen takk, babe."
Kahit walang naintindihan sa pinag-uusapan namin, napangiti si Mr. Chrsitensen. Tumangu-tango siya sa akin. Nginitian ko rin siya kahit sa loob-loob ko'y tinawag ko siyang weird na matanda.
BINABASA MO ANG
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)
RomanceNORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, min...