CHAPTER ELEVEN

15.8K 522 19
                                    


Ilang beses ko na sanang gustong lapitan si Ysay at magtanong tungkol sa mga lalaking Norwegian, pero maya't maya'y pinapatawag siya ni Evil Twin. Pambihira! Hindi ko na tinuloy ang balak ko dahil mukhang may mabigat na naman siyang pasanin. Nilapitan ko na lang siya at pinisil sa balikat bago umalis papuntang cafeteria.

"Akala ko sa iyo nanliligaw si Engineer Borsett?" deretsahang tanong ni Ate Jessa, ang sekretarya ni Boss Dave nang magkasalubong kami sa bungad ng cafe. Nagulat ako.

"Bakit po?" At napatingin ako sa bandang likuran niya. Nakita ko sa hindi kalayuan si Mina at nakikipaghuntahan ito sa mga taga-HR. Mukhang siya na naman ang bida sa kuwento.

"Sabi ni Mina sila na raw ni Lukas kaya nagtataka ako."

Nagpanting ang tainga ko. Hindi pa pala tumitigil sa ilusyon niya ang bruha. Nagpaalam agad ako kay Ate Jessa at pumasok na sa loob. Siya nama'y tumuloy na sa elevator para bumalik sa upisina ni Boss Dave.

Pinagtinginan ako ng grupo nila Mina nang mapadaan ako sa tabi nila. Tinaasan ko ng kilay ang ilusyunada at nagtungo na sa counter. Pinaringgan ako ng haliparot kaya pagka-order ko ng pangmeryenda ng bisita ni Engineer Sandoval ay hinarap ko siya.

"Hindi ka pa ba nakaka-moved on sa pantasya mo?" sabi ko agad sa kanya.

Humalukipkip siya at ngumisi sa akin.

"Pasensya na. Sadyang mas maganda lang ako sa iyo kung kaya sa akin siya nagkagusto. Pampalipas-oras ka lang daw niya habang hinihintay na sagutin ko."

Kahit alam kong hindi totoo, sumulak ang dugo sa ulo ko.

"Kawawa ka naman. Malala na ang deperensya mo sa utak!"

Tatalikuran ko na lang sana ang bruha nang bigla siyang humalakhak.

"Tingin mo hindi ko alam? Nagpasabi pala siya, ang sarap mo raw sa kama, kaso mas masarap daw ako, e! Kaya pasensyahan na lang tayo." At tumawa siya uli. Sinundan iyon ng tawanan ng ka-grupo niya na ubod din ng sama ng ugali.

I froze. Nanlaki pati mga mata ko. Kung kanina sigurado akong nag-iilusyon lang siya, ngayo'y parang nagkaroon ako ng pangamba na baka nga may dahilan kung bakit siya nagsasalita ng ganoon. I gathered all my guts and confronted her.

"Sino ang source ko? E di si Lukas!"

Ako naman ngayon ang napangisi kahit pilit lang. "Tingin mo maniniwala ako? Alam mo ba kung ano ang tingin nila Lukas at Nikolai sa iyo? Baliw! Lokaret! May deperesnya sa pag-iisip! Abnormal!"

Tinakasan siya ng kulay. Tumayo siya't tutusukin sana niya ako ng hawak niyang tinidor, pero maagap siyang napigilan ng mga kasamahan. Umalis na rin ako agad doon.

Humahangos akong bumalik ng working area namin, pero nang makita kong wala roon ang dalawa kong kaibigan nagtungo ako sa CR. Doon ko binuhos ang sama ng loob. Hindi lang ba si Hilde ang kaagaw ko kay Lukas? Pinaglalaruan din ba niya kami ni Mina?

**********

"Filipina women are just like any other woman. They love flowers. Why don't you send her a bouquet or something?" suhestyon ni Nikolai habang nagla-lunch kami sa tent namin.

"Are you sure?"

"You don't know?" nag-tonong tila napapantastikuhan pa ang mokong. "Sometimes, it helps if you think about other flowers rather than you know---" Ngumisi pa siya. Napangiti na rin ako. Naalala ko na naman ang malambot niyang katawan at iyong flower mismo. Bago pa makarating kung saan-saan ang imahinasyon ko, pinilig-pilig ko na ang ulo.

"You're thinking about a different flower, I'm sure!" At humagalpak na ng tawa si Nikolai.

"What's funny, boys?" tanong agad ni Trond pagpasok sa tent.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon