CHAPTER TEN

17.1K 564 21
                                    

Napa-double take si Leigh nang mapadaan sa table ko. Tambak-tambak kasi ang kino-collate kong mga papeles at mayroon pa akong mga incoming communication na kailangan kong i-record pero nagawa ko pang sumipol-sipol.

"Mukhang ang ganda ng gising natin, a," nakangisi niyang panunukso sa akin.

Hindi ako sumagot. I just smiled.

"Oo nga pala. Sorry talaga kahapon, Zyra. Bigla kasing namatay ang phone ko."

"Low bat na naman ba?"

"Hindi. Ewan ko ba. Nagloloko."

"Kailagan mo nang bumili ng bago," sabi ko. "Speaking of which, kung gusto mo bilhin mo na lang iyong lumang phone ni Kuya Tarquin. Slightly used lang iyon. Bibigay ko sa iyo ng presyong kapatid."

"Ayaw ko nga! Alam ko naman ang presyong kapatid mo. Tatagain mo na naman ako."

"Ang bruhang ito! Kailan kaya kita tinaga?"

"Gusto mo ipaalala ko sa iyo isa-isa?" Nandilat na si Leigh. Napabungisngis naman ako. Naalala ko ang mga pinagbili ko sa kanyang mga RTW na negosyo ng nanay ko. May tubo na si Mama sa binigay na presyo sa akin pero pinatungan ko pa ng ten percent nang itinda sa kanila ni Ysay. Nalaman din nila ang ginawa ko later on nang nag-attend sila ng birthday ng papa ko. Suut-suot kasi nila ang mga bestida galing kay Mama at naisiwalat ng tsismosa kong ina sa kanila kung magkano lang talaga ang presyo no'n.

"What's up, girls?" bungad agad sa amin ni Ysay. "Ooohh," bigla nitong nasabi nang makita ako. "Ganda naman ng boots."

No'n lang napatingin si Leigh sa bandang paa ko at namilog din ang mga mata niya. Saan ko raw iyon nabili? Napakamot-kamot ako sa ulo. Paano ko ba sasabihin na regalo sa akin ni Lukas iyon? Baka magtanong sila nang magtanong at malaman nila kung saan ako natulog kagabi.

"Ano ba kayo. Luma na kaya ito," sabi ko na lang.

"Tumigil ka nga riyan! Parang kakatanggal mo lang ng price tag niyan, e." Si Leigh na naman. Nag-squat pa ito at tinaas ang isa kong paa. "Tingnan mo, o? Ni hindi pa nagasgasan."

Sinipa-sipa ko siya under my table habang tumatawa-tawa. Iyon ang eksenang naabutan ni Evil Twin kaya nasita niya kaming tatlo. Si Ysay ang pinakakawawa dahil binulyawan niya ito. Ang panget daw ng nagawang memo ni Ysay para sa isang supplier. Parang gawa raw ng hindi nakatungtong ng high school.

"Ulitin mo iyon, ha? Ang bobo mo!" sabi pa nito bago kami tinalikuran.

Sabay-sabay namin siyang binelatang tatlo.

"Ano ba ang ginawa mong memo? Patingin nga!" sabi ko kay Ysay. Nakaupo na siya ngayon sa harapan ng personal computer niya at tila maiiyak na. "Oy! Papaapekto ka pa ba doon? For sure, bad mood lang ang bruha. Baka hindi na naman siya naka-first base sa kung sinong lalaking nilalandi niya. Huwag mo siyang pansinin."

Napabuntong-hininga lang si Leigh at malungkot na tinitigan ang kaibigan namin. At that moment, daig pa namin ang mga basang sisiw. Ramdam kasi namin ang kalungkutan ni Ysay. Ikaw ba naman ang masabihan na parang hindi nakatungtong ng high school ang gumawa ng ginawa mong sulat. Pero bigla kaming napatayo at napatingin sa bandang elevator dahil nagsisisigaw si Mina na tila kinukurot ang ano niya. Kilig na kilig ang haliparot.

"Ano'ng mayroon?" tanong ko sa napadaang si Meg. Galing siya sa direksiyon nila Mina.

"May emergency meeting daw ngayon. Nasa parking lot na ang mga Norwegian engineers."

Kinabahan ako. Hindi ko yata kayang humarap kay Lukas ngayon. Oo't nag-I-love-you-han na kami kaninang umaga bago niya ako ihatid dito, pero hindi pa rin ako komportable sa kanya. Pakiramdam ko sumablay ako sa ginawa ko kahapon. Naisip kong baka bumaba na ang tingin niya sa akin dahil doon. Tsaka ayaw ko pang malaman iyon ng mga kaibigan ko. Baka isipin nilang ang cheap-cheap ko!

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon