A/N: The pic shows Zyra's get up for her dinner with Lukas and family.
**********
Nang dumating ang araw ng pag-alis ni Nikolai for Norway, sinamahan ko si Leigh sa airport. Wala kaming kibuan sa loob ng taxi. Her sadness was overpowering. Sobra rin akong nalungkot. Mabuti na lang at hindi na sumama pa si Ysay. Baka manganak siya nang wala sa oras sa sobrang awa sa kaibigan namin.
Nasa harapan na kami ng departure area para sa international flight nang biglang tumawag si Nikolai kay Leigh. Saglit lang ang pag-uusap nila at base sa reaksiyon ng kaibigan ko halos hindi sila nagkaintindihan. Tinawagan niya uli ang nobyo.
"Nakakainis! Hindi ako maka-connect!"
"Ano ba ang sinabi?" Nag-aalala na rin ako.
Bago makasagot si Leigh, may humintong kotse sa bandang unahan at umibis doon si Nikolai. Tinginan ang mga naroon dahil mukha itong celebrity sa suot na faded maong jeans, baby blue T-shirt, at dark sunglasses. Puno naman ng pride ang mukha ni Leigh nang salubungin ito.
"Good news, babe! My transfer was postponed! I was asked to stay here until the hotel project is completed," excited nitong balita.
Napatili si Leigh. Ako nama'y napangiti. Napalis lang ang ngiting iyon nang makita ko ring umibis ng sasakyan si Lukas. Katulad ng kaibigan niya'y naka-maong jeans lang din siya, puting T-shirt, at itim na sunglasses. Pagkakita ko sa kanya, lumukso agad ang puso ko. Katulad din ni Leigh, nag-uumapaw din ang pride ko dahil sa dinami-dami ng magaganda at seksing babae sa Pilipinas ay ako pa na chubby at hindi sobrang kagandahan ang napusuan ng Nordic hunk na ito. But then, I restrained my feelings as soon as it came out. Pinaalalahanan ko ang sarili na ang guwapong lalaki sa harapan ko'y hindi masasandalan. Bahag ang buntot sa ama.
Niyaya na ni Nikolai si Leigh na umalis na ng NAIA.
"Teka sandali, si Zyra."
Bumulong si Nikolai kay Leigh at ngumiti siya sa akin. No'n na lumapit si Lukas para bumati. Hindi ko siya pinansin. Nagpaalam si Nikolai sa akin na mauuna na raw sila ni Leigh. Pinandilatan ko ang bruha kong kaibigan. Sumenyas-senyas naman ang loka-loka na ayusin daw namin ni Lukas ang problema sa pagitan naming dalawa. Mauuna na raw sila. Napahalukipkip ako't tinapunan ko sila nang masamang tingin. Ganunpaman, nagtawanan lang ang mga walanghiya at sumakay agad sa dumaan na taxi na siyang binabaan ng isang pasahero.
"Let's go?" yaya ni Lukas sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Napakamot-kamot siya sa ulo. Tila nahiya. Nagpalinga-linga ako. Naghahanap ng pupwede kong masakyan. Wala halos dumadaan na taxi nang mga oras na iyon. Ang malas ko naman! Tatalikod na sana ako para pumunta na lang sa arrival area para doon mag-abang ng masasakyan pauwi nang hinuli ni Lukas ang isa kong braso. Tiningnan ko ang kamay niya bago sinalubong ang kanyang mga titig. Alanganing ngumiti ang mokong. Kailangan ko ng ibayong pagpipigil para kumalma ang puso ko. Kung bakit kasi nang nagpamudmod ng kaguwapuhan ang Diyos ay sinalo lahat ng hunghang na ito. Mahirap tuloy tumanggi.
"Sir, is this your car?" tanong bigla ng security guard kay Lukas sabay turo sa pulang Honda Civic. Nang tumango si Lukas sa guwardiya, sinabihan agad ito ng huli na alisin na doon ang sasakyan agad-agad dahil bawal daw doon mag-parking.
"C'mon, let's go," yaya uli niya sa akin. This time may urgency na sa boses. Mag-iinarte pa sana ako pero nakialam na ang guwardiya dahil nag-radyo na raw ang head ng security personnel. Dapat na raw umalis doon ang pulang kotse.
"Kung hindi lang dahil sa guwardiya, hindi sana ako sasama sa iyo!" naiinis kong sabi habang kinakabit ang seatbelt sa katawan. Hindi na sumagot si Lukas, pero nahagip ko ang pagsilay ng matamis niyang ngiti bago pinaandar ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)
RomanceNORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, min...