CHAPTER THREE

21.4K 679 34
                                    


A/N: Pasensya na sa tagal ng update. Busy lang.

Dedicated to the first commenter.

**********

"How do I love thee? Let me count the ways..." At inisa-isa kong pinigtas ang mga petals ng hawak kong pulang rosas. From the corner of my eye, nakita kong dumating si Leigh sa working area namin at tinaasan niya ako ng kilay. Pinigil ko ang sariling tumili pero may namutawi pa ring isang matamis na ngiti sa aking mga labi. Pabirong binagsak ni Leigh ang isang bungkos na dokumento sa mesa ko para gulatin ako kunwari. Napangisi lang ako sabay maarteng nagsabi ng, "Ano ba!" Kinurot niya ako sa tagiliran.

"Ano ba'ng nangyayari sa iyo, ha?"

"Leigh, ano ka ba!" tili ko habang sinasalag ang pangingiliti niya. Natigil lang kami nang dumaan sa table namin si Mina at humalukipkip habang nakatingin sa amin nang may pang-uuyam.

"Yes, sis? Ano'ng balita?" pabiro kong tanong sa kanya. Nakatayo na ako ngayon paharap sa kanya.

"Huwag mo nga akong matawag-tawag na sis. Hindi tayo magkaanu-ano. At hindi tayo magkamukha!" Pinasadahan pa ako ng tingin na animo'y diring-diri sa pagmumukha ko. Nagulat tuloy ako. Alam kong pinagbiyak na bunga sila ni Evil Twin pero hindi naman ito ganito ka suplada sa akin noon. Nagtataray siya paminsan-minsan but not to the extent na magmamataas siya dahil kung tutuusin lamang lang siya sa akin ng isang paligo! Tsinita lang siya kaya maputi. Ang bruhang ito.

"Alam kong hindi tayo magkamukha kasi ako natural ang ganda ko hindi thank-you-doktor!" patol ko sa kanya. Bahagya akong siniko ni Leigh. Ibig sabihin huwag ko nang patulan ang intrimidera.

Hinagis niya sa pagmumukha ko ang dala-dala niyang folder. Sumabog ang mga papeles sa mukha ko. Hahabulin ko na sana siya at sabunutan pero mabilis na bumaba ng escalator ang bruha. Si Leigh nama'y tawa nang tawa sa likuran ko habang pinagpupulot ang mga nagliparang dokumento.

"Hindi ka man lang ba na-offend sa babaeng iyon? Porke hindi ikaw ang ininsulto ng mukhang kulaning iyon!" galit kong asik kay Leigh.

"Ang slow mo! Hindi mo ba nakita ang nakikita ko?"

"Kung nakikita ko ba, ba't pa ako magtatanong?" At inirapan ko siya. Inagaw ko sa kanya ang mga nadampot niyang papeles. Galing pala lahat iyon sa isa pang intrimedera. Kada papel ay may nakalagay na post-it kung ano ang gagawin ko sa mga iyon.

"May nakapagsabi na yata ro'n na wala na rin siyang pag-asa kay Lukas. Ang alam ko kasi isa si Engineer Borsett sa pinupuntirya sana niya."

"Si Lukas ko? Ambisyosa, ha!"

No'n naman biglang sumulpot si Engineer Knudsen. Sumulyap ito sa working area namin pagkatapos ay dere-deretso na sa upisina ni Boss. May kutob ako sa lalaking iyon. Napapansin kong lagi na lang nasulyap sa area namin kapag nadadaan ito. Sino kaya sa aming tatlo ang type no'n? Tinanong ko si Leigh tungkol do'n.

"Feeling ko type niya si Ysay," walang kagatul-gatol na sagot naman ni Leigh. Parang sigurado na.

"Really? Oh my God! E di lalong lagot si friendship kay Evil Twin?" Natawa na ako. Nawala na ang init ng ulo ko na dulot ni Mina.

"Hindi mo ba napapansin? Kapag nandito si Ysay ay dumadaan siya at nakikipag-usap ng kung anek-anek. Tapos kung wala naman ang babaeng iyon dumederetso kaagad sa upisina ni Bosing?"

Inalala ko ang mga nakaraang araw. May point nga si Leigh.

"At pakiramdam ko rin, type din siya ni friendship."

"Poor Engineer Sandoval," sabi naman ni Leigh.

Maghuhuntahan pa sana kami tungkol doon nang bigla na lang naming narinig ang pamilyar na tunog ng parang dumadabog na takong ng sapatos. Inagaw ko na kay Leigh ang iba pang napulot niyang dokumento at tumakbo na papunta sa copy room. Sa kamamadali may muntik na akong mabangga.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon