CHAPTER FOURTEEN

13.5K 559 25
                                    

"A penny for your thoughts?"

Napatingala ako kay Leigh sabay buntong-hininga. Napangisi naman ito at tumabi na sa akin sa harap ng desk ko.

"Kanina ka pa tahimik at parang may malalim na iniisip."

"Naalala mo no'ng birthday ni Mama at magkayayaan tayong mag-karaoke?"

"Oo naman. Last week lang iyon, e."

"Hindi ko nasabi sa inyo ni Ysay----nagsinungaling si Lukas sa akin."

Nangunot ang noo ni Leigh. Tila nalito. Pinaliwanag ko sa kanya na no'ng gabing nakita namin si Lukas sa Makati, tinext ko ang damuho at pinanindigan niya ang pagpunta sa Tagaytay.

Hindi nakakibo si Leigh. Nag-iisip siguro ng comforting words for me.

"I shouldn't say this sana dahil nangako ako kay Nikolai, pero----"

Dumagundong ang puso ko at napatingin ako nang matiim kay Leigh. Napakamot-kamot siya sa ulo na tila naaasiwa na hindi maintindihan. Hinuli niya ang dalawa kong palad at pinisil-pisil ang mga iyon.

"Ano kasi---iyong dad ni Lukas---medyo may pagka-conservative."

Pinaningkitan ko siya. Ba't di pa ako deretsahin ng bruhang ito?

"Racist, gano'n?" sabat ko agad.

"H-hindi naman siguro ganoon."

"Leigh, ano ba!" Naiinis na ako. "Pinapakaba mo ako lalo, e."

"Okay!" At pinaliwanag niyang hindi nga ako gusto ng dad ni Lukas para girlfriend ng anak niya, ayon daw kay Nikolai. Katunayan, may mina-match daw itong Norwegian girl kay Lukas.

Pagkarinig sa huli nitong sinabi, nag-tumbling nang kung ilang ulit ang puso ko sa kaba at takot.

"Iyon ba ang babaeng nakita nating kasama niya sa Makati last week?" Shit! Ang ganda no'n! Kamukha ng asawa ni Adam Levine!

Malungkot na tumangu-tango si Leigh.

"But don't despair!" agaw nito agad. "Ang sabi ni Nikolai ikaw ang mahal ng kaibigan niya kaya sigurado akong sinasakyan lang ni Lukas ngayon ang kahibangan ng ama niya, but when he leaves the two of you will be back together again."

Lalo akong nalungkot. Ang ibig sabihin kasi niyan hindi niya ako kayang ipaglaban sa ama niya. Dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan?

Ihihimlay ko na sana ang ulo sa ibabaw ng desk ko nang may marinig kaming pamilyar na tunog ng sapatos. Bumalik agad si Leigh sa harapan ng mesa niya. Maging ako'y nagbisi-bisihan din at pansamantala kong kinalimutan ang problema. Tama nga ang sapantaha ko. Dumating si Evil Twin kasama ang dalawa niyang alalay, sina Meg at Mina. Mukhang problemado ang huli at super explain ito sa nakabusangot naming architect. Si Meg naman ay parang natataranta rin. Ano kaya ang nangyari?

Nang sumaglit ako sa HR nang umagang iyon, napag-alaman kong nag-sumite ng resignation letter niya si Evil Twin. Hindi siguro nakayanan ang stress na dulot ng rebelasyong dati palang asawa ng head engineer ng Norwegian team ang inaapi-api niyang kaibigan namin. At hindi lang iyon. Nagkabalikan ang dalawa at ayon sa tsismis balak ni Engineer Knudsen na sampahan ng kasong harassment at abuse of power si Evil Twin dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanyang asawa. Sayang at resigned na si Ysay. Mas masaya sana kung nandito pa siya dahil gusto kong makita kung paano na siya pakiharapan ngayon ng bruha naming architect ngayong alam nitong hindi lang siya pangkaraniwang empleyado.

Kaya naman daw mega explain iyong bruhitang Mina kay Evil Twin ay dahil nagkamali raw ito ng pinagbigyan ng resignation letter, kaya hayun kumalat agad sa buong HR office. Dapat daw kasi sana pasekreto iyong ibibigay sa head ng HR at hindi kung kani-kanino lang na staff.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon